222 total views
Hinimok ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na magnilay at dinggin ang panaghoy ng mga mahihirap sa lipunan.
Ipinaliwanag ni Pope Francis na kinakailangan ang katahimikan sa sarili upang mas higit pang madinig at mauunawaan ang hinaing ng mga mahihirap at buong pusong matugunan ang kanilang pangangailangan.
“We are called to make a serious examination of conscience, to see if we are truly capable of hearing the cry of the poor,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Nangangamba ang Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika na bagamat may inisyatibong pagtugon na ginagawa ang mga mananampalataya ito ay para lamang sa pansariling interes subalit bigong tugunan ang tunay na pangangailangan ng mga dukha.
Binigyang diin ni Pope Francis na pinakikinggan ng Panginoon ang hinaing ng bawat isa lalo na ang mga humaharap sa mga pagsubok sa buhay, nakararanas ng karahasan at kawalang katarungan sa lipunan.
“The Lord listens to the poor who cry out to him; he is good to those who seek refuge in him, whose hearts are broken by sadness, loneliness and exclusion. The Lord listens to those who, trampled in their dignity, still find the strength to look up to him for light and comfort. He listens to those persecuted in the name of a false justice, oppressed by policies unworthy of the name, and terrified by violence, yet know that God is their Saviour.” pahayag ng Santo Papa
Ang panawagan ng Santo Papa ay kaugnay sa nalalapit na paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Dukha sa ika – 18 ng Nobyembre kung saan tema ngayong taon ang “Let us Hear the Cry of the Poor” bilang pakikiisa sa gawain ni Hesus na kumalinga at nagpapahayag ng pagmamahal sa mga dukha.
Dahil dito, magtatanghal ang Arkidiyosesis ng Maynila ng dulang pinamagatang “Panaghoy ng mga Dukha” sa pangunguna ng mga kabataan ng Most Holy Trinity Parish sa Sampaloc Manila katuwang ang Tanghalang Balic-balic kung saan ipapakita dito ang gawain ng Simbahan na kumakalinga sa mga mahihirap na komunidad.
Gagawin ang pagtatanghal bukas ika – 17 ng Nobyembre sa UST Central Seminary Gymnasium mula ikawalo ng umaga hanggang ikatlo ng hapon.