16,844 total views
Iginiit ni dating Senator Leila de Lima na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng sinasabing extra judicial killings (EJK) sa anti-drug war campaign ng nakalipas na administrasyon.
Ito ang tahasang sinabi ng dating senador sa pagharap sa House Committee on Human Rights, kaugnay sa pagdinig ng Kamara sa drug-related killings na iniuugnay sa Duterte administration.
“There is no doubt in my mind that former President Rodrigo Duterte is the mastermind, as he was the instigator and inducer of the drug war killings. The drug war was implemented as an official Duterte program of government when he assumed office as President,” ayon kay De Lima.
Si De Lima, na kilalang kritiko ng drug policy ni Duterte ay una na ring nakulong ng mahabang panahon makaraang iugnay sa ilegal na kalakalan ng droga, na kamakailan ay napawalang sala ng hukuman.
Sa pagdinig sa Kamara, nagbigay ng detalyadong paglalahad ang dating senador kung paano pinlano at isinagawa ang mga pagpatay.
Ayon pa kay De Lima, ang giyera kontra sa droga ay isang opisyal na programa ng gobyerno sa ilalim ni Duterte, na ipinatupad sa pamamagitan ng Oplan Double Barrel, isang dokumentadong operasyonal na plano ng Philippine National Police (PNP).
“These killings were intentionally and deliberately carried out as part and parcel of Oplan Double Barrel upon Duterte’s orders as President and Chief Executive from 2016 to 2022,” bahagi ng opening statement ng dating mambabatas.
Paliwanag ni De Lima ang programa ay isang sistematikong pag-atake laban sa mga sibilyan at dapat laman na ituring bilang ‘crme against humanity sa ilalim ng international humanitarian law.
Ayon pa sa testimonya ni De Lima, nagsimula ang drug war sa panahon ng pamumuno ni Duterte bilang alkalde ng Davao City, kung saan naiulat ang aktibong presensya ng Davao Death Squad. (DDS).
“The 2016 to 2022 drug war is a mere offshoot of the DDS experience in Davao,” paliwanag ng dating senador na naglingkod din bilang dating kalihim ng Department of Justice at naging Chairman ng Commission on Human Rights.
“What happened was that the systematic [EJKs] perpetrated by then-Mayor Duterte and the PNP of Davao were replicated at the national level when Duterte assumed the presidency,” ayon pa kay De Lima.
Sinabi pa ni De Lima na ang DDS o assasination squads ay binubuo hindi lamang ng civilian hitmen, kung maging ng mga aktibong miyembro ng PNP na responsable sa mga pagtukoy, at pagpaslang na kadalasan ay sinasabing lehitimong police operations.
Binigyan diin pa ni De Lima na mahalaga ang mga naging testimonya nina Edgar Matobato at Arturo Lascañas, mga dating miyembro ng DDS members na una na ring nag-akusa sa kaugnayan ng dating Pangulo sa pamamaslang.
Si Lascañas na una na ring umamin bilang pinuno ng DDS operatiion, ay isa sa pangunahing testigo sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang ulat, noong 2017 inamin ng Malacañang ang mahigit sa 20,000 napaslang sa operasyon ng pulis at mga vigilante sa loob lamang ng 16 na buwan.
“We must note, though, that those figures do not yet include the earlier cases of Kian delos Santos, Carl Arnaiz, and Reynaldo de Guzman, which also resulted in the conviction of their policemen killers,” ayon kay De Lima.
“This is the status of the investigation and prosecution of more than 20,000 drug war killings from 2016 to 2022.”
Bilang pagtatapos ng kaniyang opening statement, binangit ni De Lima ang mensahe mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP): “No matter the moral correctness of the zeal against the drug menace, it can never be a moral justification for summary executions.”