228 total views
Pinayuhan ng isang political analyst ang Administrasyong Duterte na maghinay-hinay sa pagbabago ng burukrasya sa bansa gaya ng mabilis na pagtatanggal sa mga talagang opisyal ng gobyerno dahil sa usapin ng katiwalian.
Ayon kay University of the Philippines Prof. Clarita Carlos, kinakailangang isipin muna ang magiging epekto nito lalo na sa mga mawawalan ng trabaho at sa kanilang pamilya.
“Dapat malawakan talaga at malalim at masusi ang gawing reporma ng burukraysa, noong panahon ni Marcos inayos niya ito, dati konting tao lang ang nagpapalit tuwing may bagong administrasyon, ngayon sobrang dami lampas 6,000 … make it comprehensive and a deep and wide study of the bureaucracy. Need ng massive and comprehensive and the challenge like the unemployment ang maapektuhan, maraming pamilya yan, kailangan malalim ang pag-iisip di puwedeng biglaan mo lang naisip yan, you have to think like 50 steps forward what it looks like,” pahayag ni Prof. Carlos sa panayam ng Radyo Veritas.
Pahayag pa ni Prof. Carlos, hindi maganda ang papalit-palit ang mga namamahala sa sangay ng gobyerno dahil apektado nito ang transition at continuity ng trabaho gaya na lamang ng ginawa niya sa Metro Manila Development Authority na dokumento hinggil sa traffic management noong panahon ni chairman Francis Tolentino na tiyak mababalewala.
“Paano ang transition at continuity e malaking implication yan, ang sabi ni Marcos noon this are the career of the officials who should be there, ang magpapalit lang ang department secretary all the rest they should continue, di pwedeng magpalitan sila, halimbawa sa MMDA with Francis Tolentino 6 years ako sa kanya, halos lahat ng ginawa namin sa the Institute of Traffic Management siguro mabubura, nakakapanghinayang talaga.” ayon pa sa political analyst.
Pahayag pa ni Carlos, hindi rin basta-basta mawawala ang katiwalian sa pamahalaan dahil ito ay nakaugat na.
“Corruption, it’s embedded in the system, nakita ko as an insider dati kung paano magnakaw ng pera, yung sistemang mali in place na, yung battle ng administrasyon ngayon, di puwedeng mangyari ng mabilisan, its like a big tree, kung ginawa ni Duterte nagyugyog ang puno at may nahulog na mga leaves it’s a big tree and that big tree has very deep roots and the roots are almost institutionalize and mayroon pang fruits of corruption to come, it’s not enough to change the people because the people lalo na pag corruptible sila immediately malulunod sila sa nakiita nilang malaking salapi magnanakaw sila, embedded na kasi sa system. There is something sa process na sobrang dami ng human intervention,” ayon pa kay Prof. Carlos.
Kamakailan, ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ng may 6,000 opisyal ng pamahalaan na itinalaga ng administrasyong Aquino dahil sa hanggang sa kasalukuyan laganap pa rin ang katiwalian sa kani-kanilang departamento.
Sa social doctrine of the church, kinakailangan ang estado ay pinapatakbo ng matitinong lider gaya ng paghahandog ng makabuluhang serbisyo-publiko para na rin sa kapakanan ng nakararami na mapaunlad ang kanilang sarili at ang komunidad.