186 total views
Maituturing na kakaiba ang State of the Nation Address o SONA ng pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, madaling maunawaan ng masa ang mensahe ng SONA dahil sa ginawang storytelling ng pangulong Duterte.
Positibo para kay Bishop Cabantan ang pagpapahalaga ng pangulo sa mahahalagang usapin at mga programa na kailangan sa Mindanao.
“It is a SONA that all people can relate, not just a few. A new style of storytelling and takes up many concerns particularly the situation here in Mindanao,”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Tiwala ang Obispo na maisakatuparan ng pangulo ang hinahangad na pangmatagalang kapayapaan at socio-economic development upang mawala ang laganap na kahirapan sa Mindanao.
“Addressing just lasting peace, socio-economic development for poverty alleviation, his affirmation of the Hague decision and use it for negotiating with China and making government services more efficient and effective,” pahayag ni Bishop Cabantan.
Naitala ng Philippine Statistics Authority ang 44.9-percent hanggang 74.3-percent na poverty incidence sa rehiyon partikular na sa Zamboanga Zibugay at Lanao del Sur mula taong 2000 hanggang 2015.