365 total views
Umapela ng tulong ang Duyog Marawi para sa mga naapektuhan ng tensyon sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa North Cotabato.
Ayon kay Bro. Rey Barnido, tagapamuno ng Duyog Marawi, tinatayang nasa 38 libong indibidwal ang nasa 46 na mga evacuation centers ngayon at nangangailangan ng tulong gaya ng pagkain, hygiene kits at Psychosocial support lalo na para sa mga bata.
“The need is urgent and Duyog Marawi is the only interfaith organization accredited in the region thus have access to the evacuation centers.” Ayon sa pinadalang mensahe ni Bro. Barnido sa Radyo Veritas.
“We are aiming to reach at least 1.2 million to cover food relief, Hygiene Kits , PSS Kits for children to serve at least 1,000 of the 6876 families affected”
Ika-8 ng Mayo ng magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng Militar at mga miyembro ng BIFF sa pamilihan ng munisipalidad ng Datu Paglas.
Aminado si Bro. Barnido na pahirapan ang transportasyon ngayon sa lugar at marami pa sa mga pamilya ang lumilikas sa mas ligtas na lugar.
“The national highway from Tacurong City, Sultan Kudarat to Tulunan Municipality, North Cotabato was temporarily closed as a result of the incident causing transport disruptions. There were undetermined number of families who fled their homes and sought refuge to safer grounds along the national highway and in nearby village in Brgy. Kayaga.”
Para sa mga nais magbahagi ng tulong sa Duyog Marawi, maaaring aniyang mag-deposito sa sumusunod na bank account.
Bank account Name: Duyog Marawi
Bank account Number: 5437543005394
SWIFT Code: MBTCPHMM
Mag email lamang ng scanned o litrato ng deposit slip sa [email protected] para ma kumpirma ang inyong donasyon at magawan ng resibo.
Sa kasalukuyan, tahimik ang national government sa pagkubkob ng BIFF sa pamilihang bayan ng Datu Piglas.