189 total views
Nababahala ang dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa laganap na panloloko sa internet at social media
Nagbabala si Cebu Abp. Jose Palma sa mamamayan na mag-ingat mula sa manlolokong gumagamit sa kanyang pangalan at email account upang manghingi ng pera.
Isang mensahe sa pamamagitan ng e-mail ng Arsobispo ang natanggap ng Radio Veritas, na nanghihingi ng halagang $1,350 USD.
Sinabi ng Arsobispo sa e-mail na may dinaluhan siyang programa sa Ukraine at na decline ang kan’yang credit card.
Nagpadala pa ng account number ng Money Gram ang nanggagamit ng account ni Abp. Palma, at mayroon din itong scanned copy ng passport ng Arsobispo upang mapaniwala ang mga hinihingan nito ng pera.
Mariin itong pinabulaanan ni Abp. Palma dahil siya ay kasalukuyang nasa Virac, Catanduanes upang dumalo ng Silver Jubilee Celebration ng Episcopal Consecration ni Bishop Manolo Alarkon Delos Santos
Tinawag ni Archbishop Palma na immoral at illegal ang ginagawang panloloko ng ilang indibidwal gamit ang internet.
“Hello this is Abp. Palma, by this time I am in Catanduanes because I attended the Silver Jubilee Celebration of Bishop Manolo Delos Santos. Just now, I received from friends telling me that my e-mail was hoaxed, as if I was in Ukraine asking for money, it is not true. So anybody who might have heard that Abp. Palma is in Ukraine asking for money because for one reason or another, that’s a hoax.
And so I appreciate the friends who told me just now. Well, you know, some people can use certain ways to ask for money or whatever purpose which is immoral and illegal.” Pahayag ni Abp. Palma sa Radio Veritas