360 total views
Nagpahayag ng pakikibahagi ang pinakamataas na lider ng bansa sa pagdiriwang ng mga Kristiyano ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.
Inihayag ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang Easter Sunday ay pag-asa para sa pangakong kaligtasan ng panginoon lalo na sa gitna ng patuloy na pagharap ng lahat mula sa banta ng COVID-19 pandemic.
Umaasa rin si Pangulong Duterte na higit na mapalakas ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ang loob ng bawat isa na harapin ang malawak na krisis na dulot ng pandemya at manaig ang pagkikibahagi sa kapakanan ng kapwa lalo na ang mga nangangailangan.
“We are joined together in the spirit of victory through the Resurrection of Christ. The glory of Easter gives us all a profound message of hope in the midst of suffering and an assurance of triumph over adversity. As we collectively strive to overcome the challenges brought about by the COVID-19 pandemic, I trust that the promise of salvation will inspire us to look ahead for new begginnings and move forward with stronger faith and compassion for others.” bahagi ng Easter message ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa pangalawang pagkakataon mula ng lumaganap ang COVID-19 virus sa Pilipinas noong nakalipas na taong 2020 ay muling ginunita ng mga Kristiyano ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sa pamamagitan ng limitadong pakikibahagi sa mga gawain pansimbahan dahil rin sa mga ipinatutupad na pag-iingat mula patuloy na pagkalat ng virus sa bansa.