2,788 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Eastern Samar sa inisyatibo ng Diyosesis ng Borongan upang manawagan sa pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno laban sa nakasisirang industriya ng pagmimina sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng isang solidarity message ay ipinaabot ni Eastern Samar Governor Ben Evardone na kaisa ng Simbahan ang pamahalaang panlalawigan sa paghahangad na matiyak ang kaayusan, kaligtasan at kasaganahan hindi lamang ng mga mamamayan sa Eastern Samar kundi maging ang mismong kapaligiran.
“I share the strong sentiments of the Diocese of Borongan on the issue of destructive mining in our province. The best insterest of our people and the protection of the environment should be the paramount concern of all sectors. Environmental laws and social protection must be fully and strictly observed.” Ang bahagi ng mensahe ni Governor Evardone.
Nilinaw ng gobernador na walang kapangyarihan ang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan upang mag-apruba o magbigay ng anumang mining permits sa lalawigan.
“I would also like to emphasize that the provincial government, particularly the Office of the Governor, has no hand in the approval of all mining permits in our province.” Dagdag pa ng governador.
Ipinaliwanag ni Gov. Evardone na tanging ang mga sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang nangangasiwa at may kapangyarihan na magpatupad ng mahigpit na regulasyon sa industriya ng pagmimina sa bansa.
Apela ng opisyal ang mariing paninindigan ng naturang mga ahensya sa pagpapatupad ng mga environmental and mining regulations sa bansa.
“I am reiterating my call to all regulatory bodies of the government, particularly the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and Mines and Geosciences Bureau (MGB) to adhere to the rule of law without fear nor favor. Under the law, the authority and responsibility to enforce and implement environmental and mining regulations rest with these agencies.” Ayon pa kay Gov. Evardone. Ika-7 ng Agosto, 2023 ng pinangunahan ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang Jericho Walk Prayer Rally upang hilingin sa mga opisyal ng pamahalaan, at mga sangay ng gobyerno sa lalawigan ang pagsasantabi sa anumang aplikasyon ng pagmimina para sa kapakanan ng mahihirap na mamamayan at ng kalikasan.
Nakibahagi din sa gawain ang mga kinatawan mula sa Diyosesis ng Calbayog at Catarman, na kabilang sa mga lugar na kung saan may mga pagmimina.
Unang kinondena ni Bishop Varquez ang pagpapatuloy ng pagmimina lalo na sa Homonhon at Manicani Island sa Guiuan, Eastern Samar dahil sa pinsalang dulot nito sa kalikasan at buhay ng mamamayan.