4,057 total views
Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan.
Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga materyal na bagay.
Sa ating paghahanda sa pagsilang ng manunubos, tayo ay pinapaalalahan ng Department of Health (DOH) na kumain ng masustansiyang pagkain at healthful drinks ngayong kapaskuhan. Iwasan natin ang pagkakaroon ng “non-communicable illness” tulad ng diabetes at cardiovascular diseases.
Pinayuhan tayo ng DOH na magkaroon ng “balanced,moderated at varied diet” sa selebrasyon ng kapaskuhan…Iwasan ang “overeating”… Iwasan natin ang mga pagkaing maalat, mataba at matamis gayundin ang mga processed foods. Payo ng DOH… vegetable salad at prutas na lamang tayo…Kaya ba natin ito mga Kapanalig? Inaabisuhan din tayo na iwasan ang sobrang pag-iinom ng alak sa halip uminom ng maraming tubig, matulog ng mahabang oras at pag-ehersisyo ng 30-minuto kada araw.
Kapanalig, nakakabahala ang pinakahuling data ng Philippine Statistic Office mula Enero hanggang November 2023.
Sa datos ng PSA, 18.9 percent o 118,936 katao mula sa kabuuang 628,554 na namatay sa nasabing taon ay sanhi “ishemic heart disease”…Pangalawa sa dahilan ng pagkamatay, ang sakit na Neoplasms o tumor na naitala sa 67,386 katao na sinundan ng “cerebrovascular”, pang-apat ang “diabetes mellitus at panglima ang pneumonia.
Sinasabi ng DOH na madalas tumataas ang blood sugar levels ng mga Pilipino sa selebrasyon ng kapaskuhan dahil sa pagkain ng matatamis, mamantika at maaalat na pagkain.
Kapanalig, ang buhay na ibinigay ng panginoon sa atin ay sagrado, nakasalalay ito sa mabuting kalusugan…dapat itong pahalagahan.
Patuloy naman tayong mga Pilipino na hinihimok ng Radio Veritas 846 na isabuhay ang “No Meat Friday” at iwasan ang mga pagkaing may mukha. Isinusulong ng adbokasiya na magkaroon tayo ng healthy living. Malaki din ang maitutulong nito upang mapayabong at mailigtas ang sangnilikha sa banta ng climate change.
Sa launching ng No Meat Friday noong 2016;, Inihayag ni Fr.Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at executive Director ng Caritas Manila na “What is good for the planet is good for the body. What is good for the body is good for the planet. Let us preserve God’s gifts, our body and the world we live in”.
Isinasaad sa Genesis 1:29;, pahalagahan natin ang sinabi ng Panginoon, “Behold, I have given you every plant yielding seed that is on the face of all the earth, and every tree with seed in its fruit. You shall have them for food.
Sumainyo ang Katotohanan.