1,628 total views
Binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng katarungan sa kanyang mensahe para sa nalalapit na World Day of Prayer for the Care of Creation.
Ayon kay Pope Francis, nais ng Diyos na ang bawat isa’y magsumikap na maging makatarungan sa bawat sitwasyon, upang mamuhay nang naaayon sa batas at umunlad ang buhay.
“When we “seek first the kingdom of God” (Mt 6:33), maintaining a right relationship with God, humanity and nature, then justice and peace can flow like a never-failing stream of pure water, nourishing humanity and all creatures.” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Nabanggit sa mensahe ni Pope Francis na ang unang hakbang sa pangangalaga sa sangnilikha ay ang pagbabago ng mga puso.
Paliwanag ng Santo Papa na mahalaga ang pagbabago tulad ng ecological conversion na hinikayat ni St. John Paul II sa bawat isa na tanggapin at isabuhay.
Ang pagpapanibago ng ugnayan ng tao sa sangnilikha ay paraan upang hindi na pagsamantalahan ang kalikasan bagkus ay pahalagahan at ituring na sagradong handog mula sa Diyos.
“Creation refers both to God’s mysterious, magnificent act of creating this majestic, beautiful planet and universe out of nothing and to the continuing result of that act, which we experience as an inexhaustible gift.” saad ng Santo Papa.
Hinikayat din ni Pope Francis ang lahat na simulang mamuhay nang sapat at payak, at pagsisihan ang mga nagawang pagkakasala sa kalikasan.
Gayundin ang panawagan ng punong pastol ng simbahan sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa na makikibahagi sa 28th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 upang tuluyan nang ihinto ang paggamit ng fossil fuel.
“Let us raise our voices to halt this injustice towards the poor and towards our children, who will bear the worst effects of climate change.” ayon kay Pope Francis.
Itinatag ng Santo Papa Francisco ang World Day of Prayer for the Care of Creation noong 2015, na ginugunita taun-taon tuwing unang araw ng Setyembre.
Ito ang hudyat ng pagsisimula ng Season of Creation na ipinagdiriwang sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 4, kapistahan ni San Franciso ng Assisi–ang patron ng kalikasan.
Tema ng Season of Creation 2023 ang “Let Justice and Peace Flow” na hango sa mga kataga ni Propreta Amos na “Let justice flow on like a river, righteousness like a never-failing stream”.