507 total views
Maglulunsad ng webinar ang Living Laudato Si Philippines upang talakayin ang kaugnayan ng makabagong paraan ng komunikasyon sa pangangalaga sa kalikasan.
Sa paanyaya na inilabas ng grupo, layunin nitong pag-aralan ang mga pamamaraan ng mga social communications ministry sa mga simbahan upang makatulong na maipalaganap ang kamalayan hinggil sa hinaharap na climate emergency.
Tema ng webinar ang “Laudato See: The Role of Social Communication Ministries in Ecological Conversion” na gaganapin sa Hunyo 5, 2021, mula ala-1:30 hanggang alas-4:30 ng hapon sa pamamagitan ng zoom.
Kabilang sa magbabahagi sa webinar ang dating Radio Veritas Environmental Advocate Leahna Villajos na tatalakay sa paksang “Environment Journalist: A Storyteller;” LiCas News Philippines Journalist Mark Saludes na tatalakayin ang “Journalism: Voice of the Voiceless Environment;” at Communication Foundation for Asia Executive Director Pie Mabanta-Fenomeno para naman sa “Activating SOCOMM for Mother Earth”.
Sa mga nais na makibahagi sa nasabing webinar, bisitahin lamang ang facebook page ng Living Laudato Si Philippines upang makapag-register at malaman ang iba pang impormasyon.