1,449 total views
Ang pagbisita ni United States of America Vice-president Kamala Harris ay hudyat ng matibay na relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang inaasahan ni Astro Del Castillo – senior economic advisor ng Radio Veritas at Managing Director ng First Grade financing Corporation sa tatlong araw na pagbisita ng opisyal sa Pilipinas.
“Tingin natin positibo talaga yung pagbisita, number one natutuwa tayo at narerecognize ulit tayo ng mga ibang bansa lalo na ng America sa ating kakayahan at sa ating relasyon so it goes, it brings us back to the radar of one of our largest biggest trading partner which is the United States.”pahayag ni del Castillo
Tiwala din si Del Castillo na ang pagbisita ay higit pang patitibayin ang sektor ng produksyon ng finished products at ibat-ibang raw materials na inaangkat ng Pilipinas sa Amerika.
“Alam mo naman karamihan ng mga ineexport natin ay raw materials sana maging partner natin sila sa pagtulong ng finish products naman ng maibebenta natin given their technology and capital.”paglilinaw ni del Castillo
Batay sa datos ng World Bank – World Integrated Trade Solution, nangunguna ang bansang Japan na sinusundan ng Estados Unidos, China, Hong Kong at Singapore bilang limang pangunahing bansa na top trading partners ng Pilipinas.
Isinusulong ng Economy of Francesco ang paglago ng ekonomiya kasama ang mamamayan at pangangalaga sa kalikasan.