7,917 total views
Inaprubahan ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang pagbabago ng Economy of Francesco bilang ‘Economy of Francesco Foundation’ o EoF Foundation.
Ayon kay Pope Francis, ito ay upang mapalaganap ng mga kabilang sa EoF Foundation ang pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya tungo sa sama-samang pag-unlad.
Itinalaga ni Pope Francis si Diocese of Assisi Bishop Domenico Sorrentino na pangulo, Vice-President si Italian Economist Luigino Bruni habang si Francesca Di Maolo ng Seraphic Institute for the deaf and blind of Assisi bilang board member ng EoF Foundation.
“Initiated process, defining the new organizational structure that will act as a coordination and animation center for everything that Economy of Francesco is already experiencing in businesses, universities, and the world,” ayon sa liham ng Santo Papa na ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.
Magkasabay na ipinarating ni Bishop Sorrentino ang pasasalamat kay Pope Francis at mensahe na paiigtigin ng EoF Foundation ang mga naunang inisyatibo tungo sa mabuting pagpapanibago ng ekonomiya.
“With the formal constitution of The Economy of Francesco we enter the heart of a journey that has never stopped. From today the young people of EoF officially become protagonists of this path that wants to enter the universities, businesses and the world of cooperation so that the dominant economic culture gives way to a new way of thinking that cares about the person, his charisms, the environment and the territory, rather than mere profit,” ayon sa mensahe ni Bishop Sorrentino na ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ni Bruni ang pag-abot sa mga kabataan, ekonomista at mananampalataya upang higit na mapalaganap ang pagpapaunlad sa ekonomiya na may pangangalaga sa kalikasan.
Bago itatag ng Santo Papa ang Economy of Francesco na isang foundation, noong 2019 ay nagsimula lamang ito bilang “economic revolution” sa pangangasiwa ni Bruni.
Naipalaganap ang EoF sa 100-bansa na isinusulong ang bagong Sistema sa ekonomiya alinsunod sa apela ni Pope Francis na kasama sa pag-unlad ang mga mahihirap at pinangangalagaan ang kalikasan.