206 total views
Ikinadismaya ng Ecowaste Coalition ang tambak ng basura sa mga kilalang pilgrim sites sa nakaraang mahal na araw.
Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng grupo, tahasang pagpapakita ng kawalang paggalang ng mga mananampalataya sa ginugunitang pagpapakasakit at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang iniwang tambak na basura.
Kabilang sa mga lugar na nasiyasat ng grupo ang ilang mga Simbahan sa Bulacan at ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo.
“Just like in previous years, the Lenten pilgrimage to both religious sites left a trail of trash that is totally unbefitting of the spiritual journey that many devotees do to affirm their faith, ask forgiveness for past wrongs and give thanks for blessings received,” pahayag ni Alejandre.
Karamihan sa mga basurang nagkalat na nakolekta ng grupo sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ay mga dyaryo, karton, mga plastic na bote at kainan, mga tirang pagkain at upos ng sigarilyo.
Sa kabila nito umaasa pa rin ang grupo na sa patuloy na pagbibigay aral sa mga mananampalataya ay maisasabuhay din nito ang tunay na saloobin ng Panginoon sa bawat mananampalataya na pangalagaan ang sanlibutang tinubos ni Hesukristo mula sa mga kasalanan.
“We surely are not happy with what we saw, but hope springs eternal in the human heart. We therefore reiterate our appeal to the faithful to care for Mother Earth, sustainer of all life, as they fulfill their religious vows. Faith-inspired endeavors should set a higher benchmark for environmental stewardship,” dagdag pa ni Alejandre.
Sang-ayon naman sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, hindi pag-aari ng mga tao ang lupain ng daigdig at bagkus ang bawat isa ay mga tagapangasiwa lamang na may tungkuling magpanatili, mahalin at pangalagaan ang likas na pinagkukunang yaman ng mundo para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.