376 total views
Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko hinggil sa pagbili ng mga magnet na posibleng may halong kemikal na maaari namang magdulot ng panganib sa mga bata.
Ito ang paalala ng grupo bilang bahagi ng toy safety campaign ngayong papalapit na muli ang Pasko.
Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo na bagamat itinuturing na educational tool tulad ng mga laruan, ang magnet ay mayroong kemikal na lubhang mapanganib sa kalusugan kapag nakain ng mga bata.
“Whether used for science experiments or for playing games, magnets, like any other products marketed for children’s use, must be safe from lead, which is toxic if ingested and can trigger negative health effects,” ayon kay Dizon.
Batay sa pagsusuri ng EcoWaste, ilang uri ng mga magnet ang mayroong lead paint na lumagpas sa regulatory limit na 90 parts per million (ppm).
“The yellow paint on the surface of the star-shaped magnet had 23,600 ppm of lead, while the red paint on the bar-, heart- and U-shaped magnets had 1,148 to 4,122 ppm. The pink paint on the arrow-shaped magnet contained 1,012 ppm of lead,” ayon sa pahayag.
Nakasaad sa Department of Environment and Natural Resources Administrative Order 2013-24 o Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng lead paint sa mga laruan at school supplies.
Matatandaan noong Pebrero nang kasalukuyang taon ay ipinabalik ng US Consumer Product Safety Commission ang nasa 13,000 units ng invention science kits na naglalaman ng lead painted magnets na lumabag sa federal lead paint ban.
Samantala, ayon naman sa katuruang panlipunan ng simbahan, bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang namumuhunan, kinakailangang ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan o sa buhay ng bawat tao.