36,492 total views
Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island.
Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula sa Negros sa pangunguna ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na siyang chairperson ng ONE-C, ay nanawagan ang mga ito sa pagkakaroon ng tigil putukan sa Palestina.
Bahagi din ng mensahe ng pakikiisa ng ONE-C sa pinagdaraang pagdurusa ng mga mamamayan ng Palestina lalo’t higit ang inosenteng bata na naiipit sa armadong sagupaan.
“The One Negros Ecumenical Council (ONE-C) joins in solidarity for Palestine. As Christians, we make up the body of Christ – the one for whom his mission of service was dedicated so that we may have life to the full. However, as this body, we are called into relationship with suffering communities around the world. Christian hope is made evident through our faith and actions both within the communities to which we belong, and also in the greater world community, when we stand together with those suffering in Palestine.” Bahagi ng Solidarity Message ng One Negros Ecumenical Council (ONE-C).
Nagpaabot din ng panalangin ang ONE-C para sa mga mamamayan ng Palestina, at ang kahilingan ng pagkakaroon ng malaya at mapayapang hinaharap ang bansa na mamayani ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan.
“Our prayers are with the people of Palestine. We envision a future where they are liberated from oppression and able to reconstruct their society in peace, recognized for their sovereignty and self-determination. We advocate for a just and enduring resolution that avoids domination, is free from fear, and pre-emptive actions. We pray for the dissolution of confusion, anger, and trauma across Palestine.” Ayon pa sa pahayag.
Kabilang sa mga lumagda sa solidarity message sina The Right Reverent Virgilio Amihan, IFI – co-chairperson ng One Negros Ecumenical Council (ONE-C); Bishop Feliciana Tenchaves, UCCP – council member ng ONE-C; at si The Right Reverend Allan Caparro, IFI, ang provincial coordinator ng ONE-C sa Negros Oriental.
Matatandaang una na ding tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin para sa kaayusan at kapayapaan ng Israel at Palestina.
Sinabi naman ng Santo Papa Francisco na tanging mga panalangin ang makapipigil sa karahasang nangyayari sa sanlibutan, gayundin ang pagpapaalala na walang puwang sa lipunan ang karahasan kaya’t dapat na magbuklod tungo sa pagkakamit ng kapayapaan ng buong daigdig.