Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“EDSA is a miracle.”

SHARE THE TRUTH

 46,391 total views

Ganito isinalarawan ni Sr. Asunsion “Cho” Borromeo, FFM ang mga pangyayaring sa naganap na EDSA People Power Revolution 38-taon na ang nakakalipas.

Si Sr. Borromeo ay kabilang sa mga madre na unang nagtungo at nanatili sa EDSA kasama ang iba pang mga pari at mga nagkikilos protesta.

Buong-buo pa rin sa alalaala ng madre ang mga nangyari, kabilang na ng mga huling araw na inakala ng marami ang pag-atake ng militar sa mga raliyista.

Kabilang na dito ang pagharang sa mga tangke, gayundin ang tangkang pagbabagsak ng bomba ng mga helicopter.

Kwento pa ni Sr. Borromeo, huminto ang mga tangke, habang ang mga helicopter naman ang nagtungo Camp Aguinaldo sa halip sa mga raliyista.

At sa kagalakan ng lahat ay bumaba ang mga sundalo na may ribbon ng dilaw sa kanilang mga riple na pagpapatunay nang hindi pagsunod sa utos na pasabugan ang mga nagtitipon sa EDSA laban sa noo’y diktadurya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon pa sa madre, sa pahayag na rin ng mga piloto na pinangungunahan Col. Antonio Sotelo, commander ng 15th Strike Wing, isa sa mga piloto ang nakita ang kanyang mag-ina sa mga taong nasa EDSA, gayung hindi naman umaalis ng kanilang bahay ang kanyang asawa at anak.

Isa namang piloto ang nagsabing nakita niya ng malaking krus sa bulto ng mga taong nagra-rally, habang ang isa naman na bagama’t napindot na ang pagpapakawala ng boma ay himala itong nag-jammed.

Sinabi ng madre na ilan lamang ito sa mga nangyaring himala sa Edsa kaya’t lubos siyang naniniwala na ang “Edsa is an act of God. Whoever dishonors Edsa, dishonors God,” ayon pa kay Sr. Borromeo.

Sinagot din ng madre ang madalas na katanungan kaugnay sa sinasabing pakikialam ng simbahan sa usaping pulitika.

“Sino bang bumubuo ng simbahan? Ang Simbahan ay hindi pari, madre, bishop at seminarian. Ang simbahan ay ang Filipino people, and we the church people do not cease to be Filipinos, we continue to be Filipinos. And we have every right to exercise to speak out, alam natin ‘yan na kapag tumatahimik tayo in the midst of katiwalian we are complicit to the wrong doings,” ayon kay Sr. Borromeo.

Ayon pa kay Sr. Borromeo: “Sabi ko sa panahong ito, hindi na uso ang fence sitting at saka just keeping quiet. So, sabi ko kasi meron kaming tinatawag na prophetic role- we announce the good news and we denounce anything evil. We don’t even settle for the lesser evil.”

Sinang-ayunan din ni Prof. Bonifacio “Bonnie” Macaranas-isa sa mga biktima ng pagpapahirap noong panahon ng Martial Law, co-convenor ng 1Sambayan at dating faculty member ng UP Solair (Graduate School of Labor and Industrial Relations), ang mga pahayag ng madre.

“Ako, when I brought my three-year-old child sa 86…kahit papaano, Maganda ang effect ng helicopters expecting that we will be bombed, talagang nakakatakot. But, because of the massive people from Crossing to Cubao, Ortigas na punong-puno. Siguro, talagang na-touch yung mga soldiers na who wanted to kill all of us. That is how I felt,” ayon kay Macaranas.

“It was the Lord, who was acting all along,” dagdag pa ng propesor.

Si Prof. Macaranas ay kabilang sa 70-libong katao na ikinulong at sa 30-libong dumanas ng torture sa panahon ng Batas Militar.

Ayon kay Macaranas na dati ring seminarista ng Society of Jesus, January 16, 1976 ng siya ay arestuhin ng mga pulis at sundalo dahil sa pagiging kritiko ng administrasyong Marcos Sr.

Sinabi ng propesor na naranasan niya ang pagpapahirap simula ng arestuhin at dalhin sa Fort Bonifacio, kabilang na ang pambubugbog, pagpaso ng sigarilyo at kuryentehin sa kaniyang mga daliri at maging sa kanyang ari sa tuwing hindi nagugustuhan ang kanyang sagot sa interogasyon ng mga sundalo nang hubo’t hubad.

“Without any explanation, they put me in a car, I was blindfolded and brought to a place, that was 3 o’clock siguro ng hapon and I was brought to…I learned later on na it was Fort Bonifacio, in a toilet. I could feel that it was a toilet because immediately upon arrival, they stripped me of all my clothes, and tied my two hands at the back. And I feel it was a tile, a toilet and they started the bugbugan, cigarette butts,” kwento pa ni Macaranas.

Ayon pa kay Macaranas: “The worst part really is the electrocution, I felt they had a wire in my finger and a wire in my penis. And every five to six 6 seconds, they turn something (electrification sound rrrr). Every six seconds, every time they have a question which I felt I could not really answer. Every time they were not satisfied, that was the most painful part.”

Makalipas ang isang taon, na palipat-lipat ng kulungan mula sa Fort Bonifacio, Crame, at Camp Bagong Diwa, pinalaya si Macaranas ng hindi man lamang dumaan sa hukuman.

Si Prof. Maracanas, kasama ang noo’y tatlong gulang niyang anak ay kabilang sa mga nakiisa higit dalawang milyong katao nagtungo sa Edsa upang ikondena ang diktadurya ng dating Pangulong Marcos Sr.

Sina Sr. Borromeo at Prof. Macaranas ay naging panauhin ng Special Program ng Veritasan bilang paggunita ng ika-38 taon ng EDSA People Power Revolution- at ang unang taong anibersaryo ng programa sa Edsa Shrine na pinamumunuan ng shrine rector na si Fr. Jerome Secillano.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 9,444 total views

 9,444 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 19,559 total views

 19,559 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 29,136 total views

 29,136 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 49,125 total views

 49,125 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 40,229 total views

 40,229 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 1,412 total views

 1,412 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 1,593 total views

 1,593 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 3,343 total views

 3,343 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 4,406 total views

 4,406 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 5,533 total views

 5,533 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 5,080 total views

 5,080 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 8,185 total views

 8,185 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 5,250 total views

 5,250 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 6,294 total views

 6,294 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 6,817 total views

 6,817 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 7,529 total views

 7,529 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dalawang panukalang batas, inihain sa Kamara: EJK bilang karumal-dumal na krimen, pagbabawal ng offshore gaming

 8,902 total views

 8,902 total views Dalawang panukalang batas na bunga ng isinagawang pagdinig ng Quad Committee ang isinumite sa Mababang Kapulungan, ang tuluyang pagbabawal sa POGO at pagkilala sa extra judicial killing (EJK) bilang isang karumal-dumal na krimen. Anti-Offshore Gaming Operations Act Ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 13,223 total views

 13,223 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Philippine Navy, hindi natatakot sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS

 9,383 total views

 9,383 total views Tiniyak ng Philippine Navy ang patuloy na pagpapatrolya sa mga isla sa West Philippine Sea, sa kabila ng patuloy na banta at pananakot ng China. Ito ayon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy on West Philippine Sea, kaugnay sa patuloy na pagdami ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 15,368 total views

 15,368 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top