491 total views
Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na kamalayan ng mga guro sa mga usaping panlipunan upang ganap na magabayan ang mga kabataan sa tunay na nagaganap sa bayan.
Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Former President ng St. Scholastica’s College Manila sa naganap na 2022 CEAP National JEEPGY Conference kung saan tinalakay ang ‘Education for Social Transformation’.
Ayon sa Madre, magsisimula sa kamalayan ng mga guro ang pagiging mulat ng kabataan sa mga tunay na nagaganap sa lipunan.
Ipinaliwanag ni Sr. Mananzan na importante ang maalab na pagnanais ng mga guro na magkaroon ng pagbabago sa lipunan upang mahubog ang mga mag-aaral sa pagmamahal sa bayan at sa kapwa.
“First of all the most important thing is to educate the teachers kasi if the teachers are really impute with the social orientation, it will go into their classes you do not have to go directly to the students, no. You go to the teachers and when the teachers are talagang burning with this ideal of really transforming society it will appear, it will go into their lessons plans, it will go into the methodology.” pahayag ni Sr. Mananzan
Ibinahagi ng Madre na hindi lamang takot ang nakakahawa kundi maging ang tapang at paninindigan sa iba’t-ibang mga usaping panlipunan.
Iginiit ni Sr. Mananzan na bahagi ng tungkulin ng Simbahan na magsilbing halimbawa sa taumbayan sa pagkakaroon ng lakas at tapang na manindigan laban sa mga maling nagaganap sa lipunan.
“Fear is infectious but so is courage, when we see people sowing a bit of courage we are so inspired also to act with courage, I think that is our role as church people now to answer, to respond to this challenge of prophecy.” Dagdag pa ni Sr. Mananzan.
Nagsimula ang weeklong 2022 CEAP National JEEPGY Conference noong ika-14 ng Marso at magtatagal hanggang sa ika-21 ng buwan sa pakikipagtulungan ng Private Education Assistance Commission (PEAC) na maari namang masubaybayan sa official Facebook page ng CEAP.