6,647 total views
Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) na hindi sapat ang mabagal at mababang wage hike na ipinapatupad sa magkakaibang rehiyon sa bansa.
Inihayag ng EILER na ang mababang wage hike ay hindi makasabay sa mabilis na inflation rate na pinapataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ayon sa EILER, apektado ang purchasing power ng mga manggagawa ng mabilis na pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Kaugnay nito, inihayag ng EILER na napapanahon na ang pagpapatupad ng pamahalaan ng ‘Family Living Wage’.
“Further, these wage increases are insufficient to capacitate minimum wage earners to tide over the rising prices of basic goods. Wage increases are just ‘eaten up’ by the fast-rising prices. Hence, the purchasing power of workers stagnated in the face of inflation,” ayon sa mensahe ng EILER.
Iginiit ng EILER na dapat isaalang-alang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng wage increase kung nabibili pa ng mga manggagawa at pamilya ang mga pangunahing pangangailangan.
Binigyan diin din ng EILER ang pagsusulong ng dignidad ng mga mamamayan sa anumang desisyon na makakaapekto sa kabuhayan ng nakakarami.
“The crisis-level situation of minimum wages in the Philippines must be addressed immediately not just by the regional wage boards but the government-at-large. The government must veer away from crumb-like increases and set the minimum wage to living wage standards,” mensahe pa ng EILER.
Nanawagan ang EILER sa pamahalaan na pakinggan ang hinaing ng mga manggagawa dahil sa kanilang pag-aaral katuwang ang Ibon Foundation ay umaabot na ang Family Living Wage sa 1,131-pesos sa CALABARZON at hanggang 1,278-pesos naman sa Central Visayas Region.
Sa ipinatupad na wage increase sa CALABARZON, umaabot lamang sa 425 hanggang 560-pesos ang minimum wage.
Sa kaparehong wage hike sa Central Visayas Region na iiral sa Oktubre 2024 ay aabot naman sa 453 hanggang 501-pesos ang minimum wage hike kada araw.
Naunang kinundena ng mga labor group ang ipapatupad na wage hike na napakababa at insult para sa mga manggagawa.