7,326 total views
Nakikiisa ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER sa ika-40 taon na pagdiriwang ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR).
Ayon sa EILER, naging matatag ang adbokasiya ng CTUHR tungo sa pangangalaga ng karapatang pangtao ng mga manggagawa simula nang itatag ito noong 1984.
Pinuri ng EILER ang CTUHR sa pagbibigay ng boses at proteksyon sa sector upang ligtas na makapagsimula ng mga union sa kanilang trabaho upang maipanawagan ng ibat-ibang apela sa mga employers.
“Masigasig na inilalapit ng CTUHR sa mga manggagawa ang mga kampanya at serbisyo nito para sa pagtataguyod ng tunay at makabayang unyonismo; nagbibigay ng mahalagang pag-aaral, serbisyong paralegal, at nagsusulong ng mga kampanyang kinakailangan upang ipaglaban ang mga karapatan at mapabuti ang kalagayan ng manggagawang Pilipino. Ang napakaraming kampanya ng CTUHR ay hindi lamang nagtaas ng kamalayan kundi nagtaguyod din ng kultura ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos sa hanay ng mga manggagawa. Kung saan ang laban ng manggagawa, naroon ang CTUHR, mula Kamaynilaan hanggang Mindanao, at maging sa ibang bansa,” ayon sa mensahe ng EILER para sa CTUHR.
Inalala rin ng EILER na aktibo ang ahensiya sa pagbibigay ng serbisyo para sa mga biktima ng pagmamalabis higit na para sa mga biktima ng paglabag sa kaparatang pantao.
Ipinagdarasal ng EILER na mapaigting ng CTUHR ang pangangalaga sa mga kababaihan na kadalasang biktima ng karapatang pangtao at iba pang pang-aabuos sa mga lugar ng paggawa.
Ang CTUHR ay itinatag apatnapung taon ang nakakalipas sa naging pakikipagtulungan ng EILER at iba pang labor groups.