162 total views
Itinuturing ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na malaking hamon sa isinasagawang 4th World Apostolic Congress on Mercy o WACOM 4 ang patuloy na lumalaking bilang nang napapatay sa war on drugs ng pamahalaan.
Ikinalulungkot ni Bishop Bacani na mariing kinukondena ng maraming Filipino ang pagpatay ng aso sa isang pelikula ay tahimik naman ang mamamayan sa dumaraming bilang ng napapaslang sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
“As we proclaim life let us boldly reject a merciless ways, a merciless ways dealing with the most miserable on dealing drug addicts .My dear brothers and sisters let me tell you this, I was touch when my fellow priest of mine whom on his parish alone 40 people were killed over the drug issue he said to me, you know what bishop, if they are sinners then they were killed in their sleep they have no time to repent. Now they will be condemned not to jail but to eternal fire, now are you not touch by that?pahayag ni Bishop Bacani
Ipinaalala ng Obispo na laging kumakatok ang Diyos sa ating buhay para magdala ng awa taliwas sa mga pagkatok na nagaganap sa lipunan tulad ng “Oplan Tokhang na ang dala ay kamatayan.
“Today Gods knocks and brings mercy,today we in the Philippines we get also knocks we called it tokhang, it is not a bringing of grace but a bringing of death.”giit ng Obispo
Nanawagan si Bishop Bacani na sa pamamagitan ng WACOM 4 ay manindigan at kondenahin ng mga Filipino ang walang katarungang pagpatay sa mga nasasangkot sa iligal na droga.
Ginawa ng Obispo ang panawagan sa harap ng libu-libong delegates sa ikatlong araw ng WACOM 4 na may temang “remembering and celebrating the mercy of God as a forgiven and forgiving community” na isinagawa sa National Shrine and Parish of St. Padre Pio, Sto.Tomas, Batangas.
Nauna rito, naninindigan si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo at CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na kailanman hindi maaring manahimik ang simbahan sa EJKs sa bansa.
See link here.