3,179 total views
Inaanyayahan ng pamunuan ng Economy of Francesco ang mga kabataan, ekonomista at sinumang nais makilahok sa EOF contest na idadaos ngayong taon.
Ayon sa abiso ng E-O-F, ang patimpalak ay hahatiin sa limang kategorya ng podcasts, video, short tale, journaling at visual art presentation na maaring lahukan ng mga nais makibahagi sa gawain.
Paalala ng organisasyon ang pagpapamalas sa mga kategorya sa pagsusulong ng makabagong sistema sa ekonomiya na inaalagaan ang kalikasan katulad ng adbokasiya ng EOF.
“We open the call to all art enthusiasts, economists, students, professionals, and anyone who believes in the potential and force of a new narrative, to participate in this contest which will be part of the Global Event,” ayon sa mensahe at paanyaya ng EOF.
Para sa mga nais makilahok ay maaring bumisita sa official website ng EOF sa: https://francescoeconomy.org/the-eof-contest-the-stories-we-re/?mc_cid=6702f40f38&mc_eid=aad142bd0d , o magpadala ng email sa [email protected]
para sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa patimpalak.
Sa mga magpapasa ng kanilang mga likha ay maari itong ipadala sa email ng [email protected] kasama ang kanilang pangalan, reference contact email, mobile number, titulo ng obra at kahit maikling sanaysay kung tungkol saan ang kanilang obra.
Sa September 10 naman o isa sa mga araw ng 2023 World Meeting ng E-O-F ay ilalathala o isasapubliko ang mga mapipiling likha ng mga nakilahok sa gawain.