135 total views
Nanawagan sa Mababang Kapulungan ng Kogreso si Department of Interior and Local Government Under-Secretary for Public Safety Jesus Hinlo na bigyan ng “emergency power” si Pangulong Rodrigo Duterte upang agad na masolusyunan ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa mga piitan.
Ipinaliwanag ni Hinlo na kung magkakaroon ng espesyal na kapangyarihan ang Pangulo at aamyendahan ng mga mambabatas ang Procurement Law na nagpapahaba ng proseso sa pagkuha ng mga lupain ay mas mapapabilis ang proseso ng pagpapatayo ng mga bagong pasilidad at mga bilangguan sa bansa.
“I will also be appealing to Congress sana bigyan nila ng Emergency Power si Presidente para hindi na mag-over yung pagpapatayo ng mga Jail Facilities because there is an emergency situation na kailangan mabilisan ng pagpapatayo, sana ma-ammend nila yung Procurement Law on this matter or the President will be given Emergency Power to enter into contracts na hindi na masyadong istrikto yung sa procurement process para maka-build na tayo ng maraming jails kasi po pag-iisaisahin natin ito under the Procurement Law matatagalan po talaga…”pahayag ni Hinlo sa panayam sa Radio Veritas.
Nabatid ng Veritas advocate mula sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na noong ika-30 ng Hunyo ay pumalo sa 63-porsiyento ang “nationwide congestion rate”.
Batay sa tala, nasa higit 112-libo ang bilang ng mga bilango kung saan tanging 463 ang bilanguan ng BJMP na nakalaan lamang para sa 26-na-libong inmates.
Lumalabas na halos 80-porsyento ng mga bilanggo ay labis sa kapasidad ng mga kulungan sa bansa.
Tinatayang 8-bilyong piso ang halagang kinakailangan ng Bureau of Jail Management and Penology upang masolosyunan ang pagsiksikan ng bilanggo sa mga kulungan sa bansa.
Binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na maging ang mga bilanggong nagkasala sa ilalim ng batas ay kinakailangan pa ring bigyang ng makataong pagkalinga at igalang ang karapatang mabuhay ng marangal maging sa mga bilanguan.