203 total views
Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, marapat lamang na ang araw na ito ng pagkukuwentuhan, nang pakikinig ay magwakas sa hapag ng Panginoon. At sa atin pong pagdiriwang ng eukaristiya, ginagamit po natin ang mga pagbasa at panalangin sa dakilang kapistahan ng tagumpay ng Krus ni Hesus, “the Triumph of the cross”, sapagkat sa krus ni Hesus natin nakikita ang punto na hindi lamang sinasalita kundi kuwentong isinasagawa ng isang taong umunawa sa atin.
At para sa ating mga Filipino ang isang larawan o imahe ni Kristong punong-puno ng kagandahang loob para sa atin ay ang Hesus Nazareno. Nilalapitan ng lahat at hindi kinatatakutang lapitan, ibig hawakan ng lahat lalu ng wala ng makapitan. Ang mga nakaranas na sila’y pagtabuyan, malakas ang loob hindi kami ipagtatabuyan ni Hesus Nazareno. Si Hesus na pasan ang krus, sabi nila si Kristong nadapa dahil sa bigat ng krus subalit nagsisikap tumayo upang mapagpatuloy ang paglalakbay patungo sa pagtatanghal sa kanya sa pagpapako sa krus na kanyang pinasan. Totoo po ang kaniyang krus ay isang kahihiyan, ito ay parusa na pinapataw sa pinakamabigat na krimen. At ito ay parusa para lamang sa mga alipin, mababang uri, kung kaya noong panahon niya kung ikaw ay Roman citizen, puwede kang parusahan pero hindi sa pagapapako sa krus.
Ito na ang pinakakahiya-hiyang uri ng kamatayan. Subalit sabi nga ni San Pablo, ito na sagisag ng kahihiyan, sagisag ng pagkatalo, para sa ating nananalig ay ang karunungan at ang lakas ng Diyos. Karunungan at lakas ng Diyos na may magandang loob ng Diyos na puno ng habag at awa, ang diyos na walang ibig kundi ang maligtas pati ang mga sumasalungat sa kanya.
Sa unang pagbasa mula sa aklat ng mga bilang, nakita natin ang isang uri ng pagpapakita ng isang uri ng kasalanan. Ang mga Hebreo na napalaya na mula sa pagka-alipin nandun na sila sa disyerto, nakaalis na sa isang sitwasyon na sila’y inalipin. Nainip, sabi sa pagbasa nainip hindi makapaghintay sa panahon ng Diyos. Gusto nila yung oras nila yun ang masunod. Kaya yung mga mainipin ingat kayo, mga inip na inip at noong mainip na, nakalimutan ang ginawa ng Diyos sa kanila. Sinisisi na ang Diyos, sinisisi si Moises, nakalimot, hinahanap-hanap na ang pagkain at inumin sa Ehipto. Hindi bale nang bumalik sa pagkaalipin basta may makakakain. Parang tayo rin yata, almusal pa lang iniisip na ano ba ang miryenda, miryenda pa lang iniisip na ano ba ang tanghalian, tanghalian pa lang ang pinag-uusapan ano ba ang masarap sa hapunan? Inip na inip sa susunod na kainan. At ang nakakatakot nakakalimot sa kilos ng Diyos.
Hindi ho ba kung susuriin natin lahat naman ng pagrerebelde sa Diyos ay naka-ugat sa paglimot? Hindi na naalala ang kabutihan ng Diyos. Kapag nakalimot na kung saan-saan na mapapapunta, maghahanap na ng ibang Diyos, kahit maging alipin muli, gusto ko yang bagong Diyos na yan. Nasaktan ang Diyos, sino ba naman ang hindi masasaktan? Subalit noong nagdurusa na muli ang kanyang bayan, bumalik ang mga ahas na tumutuka sa kanila nakaalala muli ang bayan at nanikluhod, patawarin sila ng Diyos at hindi nagdalawang isip ang Diyos, gumawa ng paraan upang matigil ang kanilang paghihirap basta sumunod lang sila, tumingala doon sa ginawa ni Moises na tansong ahas, hindi yung tansong ahas ang magliligatas kundi sumusunod kayo simple lang ang hinihingi ng Diyos, tumingala, tumingin, magtiwala at siyay napagaling. Ganyan ang Diyos hindi niya matiis na ang kanyang bayan ay malugmok sa hirap at pagdurusa, hindi niya matiis na ang kanyang bayan ay manatili na nakalubog sa kasalanan at sa epekto ng kanilang kasalanan. Tama po ang sinasabi sa Ebanghelyo, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, ang hangad ng Diyos ay hindi parusa kundi kaligtasan. Yan ang hindi malirip na awa ng Diyos, yan ang hindi malirip na kabutihang loob ng Diyos, kung tayo’y mga tao parang gigil na gigil na gusto nang magparusa, ang Diyos gigil na gigil na magligtas. Iyan ang Diyos natin, salamat na lang siya ang ating Diyos, at dumating ang takdang panahon sabi sa ebanghelyo ganun na lamang kamahal ng Diyos ang mundo, ang mundo na nagrerebelde sa kaniya, mundong kumakalimot sa kanya, ang mundong pinagpapalit siya, mahal pa rin niya at ganun na lang ang pagmamahal niya sa mundong ito kasi sinugo pa ang kanyang anak.
Kinakanta natin yan, “for god so loved the world he gave us his only son, to a world that does not deserve, does not merit any gift at all, a world that does not merit the supreme gift of the most precious one my Son. Wala nang kalooban na ganyang kabusilak at ganyan kabuti na ating makikita, sa Diyos lamang. Pero kung titingnan natin paano nga ba ipinakita ni Hesus ang ganitong pag-ibig ng ama, papanu? Sabi po ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, hinubad ni Hesus ang kanyang dangal bilang Diyos, hindi niya kinapitan ang kanyang dangal, hinubad. He emptied himself with all his prerogatives and rights, the emptying of self. At noong hinubad niya ang sariling dangal, niyakap niya ang ating pagiging tao. Niyakap niya ang pagiging alipin, natukso, nagutom siya, naging refugee siya, itinakwil siya, iniwanan siya ng mga kaibigan, nagkalat sila ng mga hindi totoo tungkol sa kanya.
Niyakap niya ang ating dusa at para bagang hindi pa yan sapat niyakap niya ang pinakamakahihiya na kamatayan, kamatayan sa krus. That’s the extent of love of god in Jesus, emptying of self, emptying of one’s prerogatives, rightful prerogatives, freely out of love and assuming the condition of the lonely human beings and accompanying them unto death. At yan po ang nagligtas sa atin, ang kasalanan, ang pagrerebelde sa Diyos ay nangyayari kapag tayo ay punong-puno ang sarili at kapag ang isang tao ay punong-puno ng sarili, kalimitan yan ang taong yan nawawalan ng awa at habag sa kapwa.
Wala na yang kapwa-kapwa, basta sarili, yan ang kasalanan, yan ang pagrerebelde, yan ang ugat ng mga maling patakaran at istruktura sa lipunan, puro self, filled with self. An individualism that alienate each other people, no more brothers and sisters, no more niegbhors, I dont care basta ako! ako! To clear the way God showed the opposite, sending one son, using one son in Jesus, emptying himself and filling himself with our human condition, and so he became a compassionate high priest, a brother who can intercede for us. Because he tempted in every way that we were tempted, he understands us because he emptied himself of his glory and humbly entered our world. Ganyan po tayo kamahal ng Diyos, ang unawa na ginawa niya ay hindi unawa sa utak kundi pag-unawa na sinasabing pagpasok sa ating mundo emphaty and from within the human condition he understood us and he became a compassionate high priest.
Nasabi ko nga po sa mga kapatid kong pari sa retreat namin, ako’y alam ko rin naman na awa lang din ng Diyos, naikuwento ko nga sa kanila na meron akong dating professor na sumakabilang buhay na pero bago namatay ako’y ipinatawag, at pinuntahan ko sa kanyang kuwarto, nag-iiyak, iyak ng iyak po parang bata, he was sobbing. Ang sabi nung nurse, ganyan po si Father kapag may bumibisita na dating estudyante, kaibigan nagiging emosyunal. Nilapitan ko po si Father, hinaplos-haplos ko ang balikat at noong medyo kumalma-kalma na, tiningnan ako, nakakangiti na, sabi niya oh Chito you used to sleep in my class. Yun po ang naalala niya sa akin, natutulog ka sa klase ko, ako naman umamin at inaamin ko po sa inyong lahat ang sarap-sarap matulog sa klase. Pero sabi ko sa kanya, Father im very sorry if I caused you distressed those years when I was a student, sabi niya no, no, no, you did well and then sabi niya look at you, you are now a cardinal. Napaisip po ako, ano itong pinasasabi ng Diyos sa akin sa pamamagitan niya? Parang sinasabi ata ng Diyos na Chito ha, huwag kang mayabang ha, huwag kang punong-puno ng sarili, dati pari ako, naging obispo ako, naging cardinal ako. Napakalaking tukso na puno ng sarili. Parang sinasabi ni Father, kilala ka namin, tutulog-tulog ka lang kung meron ka mang naabot kagandahang loob ng Diyos at kagandahang loob ng iba na umunawa sa yo, huwag kang mayabang. Kaya kapag nakikita ko sa klase ko na mga estudyante natutulog, inuunawa ko, kung ako’y pinagtiyagaan ng iba, sino ako para hindi magtiyaga, ano ho, but you have to be one of them. Kasi alam ko yung karanasan na maliit na nga ang mata ko hindi ko pa maidilat ano ho, unawain, I am with you why will get angry, judgemental. Kaya pati kayo kitang-kita ko naman, yung mga natutulog ngayon, huwag kayong mag-alala sige, sweetdreams, kasi po ginawa ko rin yan. Hindi ka kayang magmalaki, you cannot demand right by being self righteous, you can demand what is right but with a lot of emphaty because you know you are not always right. You are also a product of God’s mercy.
Sana po ang isang maging bunga ng PCNE, sana katulad ni Hesus Poong Nazareno, hubarin natin ang pagkamakasarili na nagiging hadlang sa kagandahang loob, awa, pang-unawa, makita natin ang ating kapwa, ang kanilang kahinaan at kanilang sugat sa atin ding mga sugat. Makita natin ang ating sarili sa kanilang mga pagpupunyagi at sa kanilang mga pagbagsak nandiyan ang pag- unawa at sa ganyang pag-unawa, harinawa gagawa tayo hindi ng ikababagsak ng kapwa kundi ng kanilang ikaliligtas. Bilang pagwawakas po dugtungan ko ho ang mga kuwento ko ilang buwan ho ang nakararaaan, ako po ay naatasang bumisita sa isang refugee camp sa Lebanon, bahagi po ng gampanin ng Caritas Internationalis at yung refugee camp na yun nasa gitna ng bukid, in the middle of the field na pinahiram daw ang lupang yun ng may-ari at you see, what you normally see in refugee camps, mga tents, mga taong hindi alam makakauwi pa ba kami? may babalikan pa ba kami? Mayroon pong isang babae na parang tinutukso namin, sabi namin umalis kayo sa inyong bayan sa Syria? Sino pa ba ang magmamalasakit sa Syria kundi kayo. Kung kayo aalis papano na ang inyong bayan? nanukso ho kami. Sagot ho nung babae, nakita ng aking anak na babae kung papanu pinatay ang kanyang lolo sa harapan ng aming bahay, sabi niya kapag ang anak mo musmos ganyan na ang nakikita father wala kang gagawin kundi tumakas for the sake of my child. Tama yung sinabi nila kanina sa kuwentuhan, minsan ang dali nating magsalita kasi nagsisimula tayo sa mga prinsipyo, hindi sa pang-unawa. Tapos po yung pinaka- leader nung camp at lahat sila po dun ay Muslim, may matanda parang leader, noong nakita ako hindi ko nga alam kung kumakanta o sumasayaw, hindi maintindihan yung sinasabi, tanong ko dun sa Lebanese Priest na kasama ko, ano ba yung sinasabi? kumakanta ba? Sabi nung pari, hindi po nagpapasalamat lang siya sabi raw kayong mga Kristiyano kayo sa Caritas, kayo lang ang nakakaisip sa amin and she want to express deep thanksgiving, be one with them thinking of them. Iyan din po ang karanasan namin nung nagbukas kami ng door of charity sa San Lazaro Hospital at pumunta po kami doon sa HIV-AIDS ward to bring the mercy of God, to open the door of God’s mercy. Sila na hindi lang hirap na hirap physically kundi siguro nakaranas ng ibat-ibang pangkukutya, panunuya, diskriminasyon, nagdasal po kami tapos lumapit ako sa bawat isa kasi po noong estudyante pa ako years ago nag-volunteer po ako sa isang hostel run by the missionaries of charity sa Washington DC for more than a year, nag-alaga po ng HIV-AIDS patients at bago ako bumalik dito sa Pilipinas nagpa- party pa sila, nagdespedida, sa palagay ko wala na sa kanilang buhay kaya bumalik lahat ito sa alala ko nung nandun kami sa San Lazaro. Paglapit ko po sa bawat isa may isa ho dung pasyente iyak ng iyak talaga, tinanong ko siya kung mayroon pa siyang pamilya meron pa raw po, binibisita ka ba? pumupunta po naman dito, sabi ko tatagan mo ang loob mo kumapit ka sa Diyos, hindi ka mag-iisa and then tinanggal niya yung kanyang mask, sabi niya kaya po ako umiiyak kasi ang saya-saya ko po, nandito kayo, kaharap ko kayo, masaya po ako. Ang sabi niya puwede na, puwede na. Hindi man natin maipaliwanag as theory, the mercy of god thru Christ carrying his cross and christ crucified, the meaning will be revealed to us thru the stories of people who have touch the Nazareno, for the experience the nearness of God thru compassionate merciful brothers and sisters.
Tayo po ay tumahimik sandali at buksan ang ating puso. Let us empty ourselves and everything that is self centered and let us allow suffering humanity to enter our hearts for compassion for mercy for healing.