14,295 total views
Pinapahanda ng International Labor Organization (ILO) ang mga employer at manggagawa sa paggamit ng Artificial Intellenge at makabagong teknolohiya na makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad sa ekonomiya.
Ito ang isinulong ng ILO Philippines sa kakatapos na 45th National Conference of Employers (NCE) sa Pilipinas.
Ayon kay Sangheon Lee, ILO Director for Employment Policy, Job Creation and Livelihoods Department, kinakailangan ng mga employer na maghanda sa madalas na paggamit ng AI at makabagong teknolohiya upang umagapay na mapadali ang produksyon.
“Such transition will involve enterprise development, skills and income support given its great potential for job creation combined with comprehensive and integrated employment policies and social protection,” mensahe ni Lee na ipinadala ng ILO Philippines sa Radio Veritas.
Sa pag-aaral ng international agency, aabot sa 8.4-milyong oportunidad ng trabaho ang maaring magbukas para sa mga manggagawa kung tuluyang gagamitin ang green energy sa mga negosyo.
Ito ay ang paggamit ng mga kompanya sa appliances, renewable energy resources at generators na eco-friendly at makakatulong sa pagbawas ng polusyon sa kalikasan.
Unang ipinarating ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa pagdiriwang ng World Communications Day na kailanman ay hindi mapapalitan ng AI ang karunungan, talino, puso at oras na inilalaan ng mga tao sa kanilang trabaho.