14,609 total views
Tinipon ng International Labor Organization – Philippines (ILO-Philippines) ang stakeholders at employers upang mapalalim ang kanilang kaalaman sa pagpapatupad ng ILO Convention 190 (C190).
Ayon kay ILO-Philippine Country Office Director Khalid Hassan, ito ay upang tiyakin sa mga manggagawa ang kanilang kaligtasan sa lugar ng paggawa.
“Everyone deserves respect at work. This event is a significant step and response to an urgent call to end and prevent violence and harassment in the workplace, which affects millions of people globally,” mensahe ni Hassan na ipinadala ng ILO-Philippines sa Radio Veritas.
Ipinaliwanag ng ahensya sa mga stakeholders ang mga nakapaloob na polisiya sa C190 at kung paano ito ipapatupad sa mga lugar ng paggawa upang matiyak na ligtas ang mga manggagawa , mailayo sa aksidente at anumang uri ng pang-aabuso.
Sa tala, umabot sa 60 opisyal ng pamahalaan, kinatawan ng labor, employers, partners at stakeohlders ang dumalo sa pagtitipon.
“Going beyond the scope of C190, the event also had interactive sessions on violence and harassment. Forum theatre, exercises and role plays delved into the root causes, impacts, and vulnerability factors of workplace violence and harassment, Stakeholders and partners gained deeper insights on dynamics by engaging in activities that foster empathy and understanding, which tackle effective prevention and intervention strategies to deal and stop violence and harassment,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ng ILO-Philippines sa Radio Veritas.
Ang ILO-C190 ay binuo ng ahensiya upang maging batayang polisiya ng mga kabilang na bansa sa ILO upang magbigay ng matatag at karagdagang proteksyon sa mga manggagawa laban sa magkakaibang uri ng aksidente at pang-aabuso sa mga lugar ng paggawa.
Sa datos ng United Nations noong December 2022, isa sa kada limang manggagawa ang biktima ng karahasan sa buong mundo habang ayon sa Philippine Civil Service Commission umaabot sa 22.8 porsyento ang bilang ng mga manggagawang Pilipino ang nakakaranas ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang mga lugar ng paggawa.
Unang umapela ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga employers at lider sa mundo na tiyaking ligtas ang mga manggagawa mula sa anumang uri ng kapahamakan, aksidente o pang-aabuso sa mga lugar ng paggawa.