329 total views
Ito ang mensahe ni Borongan Bishop Crispin Varquez, chairman ng CBCP-Episcopal Office on Women sa pagdiriwang ng National Womens Month.
Ayon sa Obispo, dapat kilalanin ng lipunan ang kakayahan ng mga babae sa kani-kanilang larangan sa halip na maliitin at isantabi.
“We should empower women na ma-maximize ang kanilang potential; we should not limit their capacities and potentials kasi marami rin naman silang magagawa na ginagawa ng mga lalaki,” pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.
Sinabi din ng obispo na dapat kilalanin ng kapwa babae at lalaki ang bawat isa na bahagi ng komunidad at iwasan ang kompetisyon upang magkaroon ng pagkakaisa.
Ipinaalala ni Bishop Varquez na lahat ng tao ay nilalang ayon sa wangis ng Panginoon kaya’t mahalagang igalang ang bawat isa.
“We should see the face of God to each other as men and women; love and respect each other, see each other as human being created by God, Holy!” dagdag pa ng obispo.
Taong 1988 nang ideklara ang National Womens Month batay na rin sa Proclamation No. 227 habang ang Republic Act (RA) No. 6949 ay nagdeklarang National Womens Day ang Marso 8 kung saan ang Philippine Commission on Women ang manguna sa pagdiriwang.
Pinaalalahanan ni Bishop Varquez ang mamamayan na ang babae ay hindi isang bagay kundi isang mahalagang nilikha ng Panginoon na dapat igalang at bigyang dignidad.
“A woman is not an object; men should not make a woman an object of pleasure or sexual object,” giit ni Bishop Varquez.
Sa isinagawang National Demographic and Health Survey noong 2017 lumabas na 1 sa bawat 20 kababaihan edad 15 hanggang 49 ang nakaranas ng pang-aabusong sekswal.
Sa pag-aaral naman ng United Nations Population Fund tumaas sa 16 na porsyento ang gender-based violence sa mahigit 800-libong kababaihan.
Naniniwala si Bishop Varquez na matatamo ang kapayapaan at pagkakaisa ng pamilya kung may paggalang at pagkilala sa bawat kasarian.