269 total views
March 25, 2020, 5:06PM
Nanawagan si Diocese of Malolos Bishop Dennis Villarojo sa mga mananampalataya na gamitin ang kasakulukuyang sitwasyon upang gampanan ang ating gampanin na magkalinga sa kapwa.
Ayon sa Obispo, natural lang na maging makasarili ang tao sa panahon na ito ngunit pagkakataon rin ito upang makapagnilay kung paanong makatutulong sa kapwa.
“There’s a point in which kapag magiging selfish tayo, tayo rin ang magdurusa. Kasi the times calls for solidarity – na tayong lahat ay magkasama-sama upang maiwasan natin na lalaganap yung virus, it requires that we think not only for ourselves but para rin sa kapakanan ng iba.” bahagi ng pahayag ni Bishop Villarojo sa Radyo Veritas.
Ipinaalala ng Obispo na sa panahong nagkakaroon ng pagkukulang sa mga pangunahing pangangailangan ay dapat lalong umiral ang pakikipagkapwa at pagtutulungan.
Sinabi ng Obispo na ito rin ay paraan upang maisabuhay natin ang diwa ng Kuwaresma.
“Control ourselves na hindi sosobra at maiwasan [natin] that we don’t deny to others the supply of their own needs. It’s more of self-restraint, ‘yun naman talaga ang diwa ng Kwaresma. ‘Yung fasting na ginagawa natin that is self restrtaint, pagpigil at pagtimpi sa sarili para sa kapakanan ng iba.” dagdag ni Bishop Villarojo
Unang nanawagan si Bishop Broderick Pabilo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila sa mga mananampalataya na tumulong, magkawanggawa o maging Good Samaritan sa mga mahihirap na apektado ng sakit.
Sa Catholic Social Teaching sinasabi nito na tayo ay magkakapatid na anak ng Diyos sa kabila ng pagkakaiba iba ng pananaw, pananampalataya at tradisyong kinagisnan.