242 total views
March 18, 2020, 3:39PM
Umaasa ang CBCP – Episcopal Commission on Youth na maging daan ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang mamulat ang kabataan sa kahalagahan ng mga bagay na kadalasang naisasantabi lamang sa pang-araw-araw.
Ito ang payo sa mga kabataan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon upang maging makabuluhan ang kanilang libreng oras at panahon matapos suspendihin ng isang buwan ang klase ng mga mag-aaral.
Ayon sa Obispo, nawa ay mas maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng oras para sa pamilya, sa pagninilay at pananalangin ngayong panahon ng Kwaresma na tila sapilitang pagsasailalim sa retreat ng bawat isa.
“Particularly in this time of Lent, it’s a different kind, type of observance of Lent na talagang parang forced retreat tayo yung mga ibang naka-quarantine ng 14 days walang labas yan, people might be bored but you know it’s a matter of life for us, so ano ba ang pwedeng gawin ng mga kabataan na ngayon ay nasa bahay tayo then we can begin to value the things that we often times neglect like time with our family, time to reflect, time to pray…”pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.
Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa patuloy na pag-aaral at pagtatrabaho maging sa tahanan ay isa ring pagkakataon ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang higit na mapalalim ang relasyon ng buong pamilya sa pamamagitan ng pagsusuri sa sarili.
Iginiit ni Bishop Alarcon na hindi dapat ituring ng mga kabataan na bakasyon ang kasalukyang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon sa halip ay isang emergency o biglaang pangangailangan upang pansamantalang huminto at maging sensitibo sa mga bagay na nagaganap sa kapaligiran.
“it’s a call for us well hindi lang call we are forced to stop a bit, to slow down a bit and to be sensitive to what is happening around us of course it is not a vacation it is an emergency life is at stake…” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.
Samantala, matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte pagtataas ng alert system ng bansa sa Code Red Sub-level 2 dahil sa pagkalat ng COVID-19 ay pinalawig na rin sa buong Luzon ang 30-araw na Enchanced Community Quarantine na magtatagal hanggang sa ika-14 ng Abril.