194 total views
March 17, 2020, 2:52PM
Binigyang diin ni healing priest Reverend Father Joey Faller na isang magandang pagkakataon para magnilay ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon partikular sa National Capital Region.
Ayon kay Fr. Faller ng Kamay ni Hesus Healing Church, marahil ito ay paanyaya ng Panginoon sa bawat isa upang higit na maglaan ng oras sa pakikipag-usap sa Diyos.
“Sometimes you need to put a stop on your usual schedule, so that you can rest, pray and be with your God,” pahayag ni Fr. Faller.
Sinabi ng Pari na minsan ipinararanas ng Diyos sa tao ang mga pagsubok upang maihanda at mapatatag ang sarili tungo sa mas maayos na buhay.
Ika – 16 ng Marso nang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mahigpit na community quarantine bilang hakbang na mapigilan ang pagkalat pa ng virus sa buong bansa na sa kasalukuyan ay nasa 142 na ang nagpositibo habang 12 naman ang nasawi.
Ayon kay Fr. Faller, ito rin ay panawagan sa bawat mananampalataya na magpanibagong buhay at paalala na mas higit na makapangyarihan ang Diyos kaninuman.
“It is a reminder that Our God is bigger than all our problems, stronger than any Virus in the world and Our God has a beautiful plan for all of us.” dagdag ng healing priest.
Read: https://www.veritas846.ph/pastoral-statement-of-the-bishops-of-metro-manila/
Sa huli tiniyak ni Fr. Faller sa mananampalataya na may magandang plano ang Diyos sa likod ng krisis na nararanasan lalo’t nalalapit na ang muling pagkabuhay ni Hesus na tanda ng katubusan ng sanlibutan mula sa kadiliman ng kasalanan.
“He can transform our grief into joy, tragedy into blessing, good friday into Easter Sunday. Be Patient and Be still that i am you God!” ayon pa ni Fr. Faller.