231 total views
Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nararapat lamang ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga sumisira dito.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, napapanahon nang manindigan ang Simbahan at hindi ipagsawalang bahala ang pang-aatake sa pananampalataya lalo’t ito’y mula sa pinakamataas na opisyal ng bansa.
“Catholicism in the Philippines is under attack, ironically, from the highest governing official of the land. The Philippine church is in a stance where it has to defend its faith and beliefs. Enough is enough,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang tunay na mananampalataya ay nakahandang tumayo para ipagtanggol ang Simbahan sa mga paninira, pananakot at pambabanta sa mga pastol ng sambayanan ng Diyos.
Iginiit ng pinuno ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na ang pagsasalita ng mga Obispo laban sa mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi paghihiganti kundi pagtatanggol lamang sa masasamang salita na ipinupukol sa katuruan ng Simbahan partikular sa Panginoong Hesukristo at sa Banal na Santatlo.
“Yes, the Bible taught us to reject revenge and retaliation and turn the other cheek but being a true follower of Christ does not mean we will turn a deaf ear to the verbal abuses hurled against the Catholic church and its clergies,” dagdag ni Bishop Santos.
Ito ang tugon ni Bishop Santos sa pahayag ni Atty. Salvador Panelo, tagapagsalita ng Pangulo na dapat hindi mangingi-alam ang Simbahan sa pamamalakad ng Pangulo sa pamahalaan sa kabila ng maaanghang na salita laban sa mga Obispo at Paring hindi sumasang-ayon sa mga polisiyang ipinatutupad.
Nanindigan si Bishop Santos na hindi dapat palagpasin ang mga panghahamak ng pangulong Duterte.
“We believers, must not sit passively in one corner and let the tirades go on. We have voiced our opinions,” ayon kay Bishop Santos.
PANANAGUTAN SA DIYOS
Gayunpaman, sinabi ni Bishop Santos na hindi kailangan ng Diyos ang sinuman para ipagtanggol ito mula sa mga nanghahamak sa Kaniyang pangalan dahil ito ang maghahatol sa huling araw.
“After all, the Creator of heaven and earth does not need us or anybody to defend Him. The absolute truth remains that one day, those who mock God will face Him in the judgement throne and give an account for every single blasphemy said against Him,” dagdag ng Obispo.