182 total views
Umaasa ang ilang environmentalist na magiging mapagmahal din sa kalikasan si Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu.
Si Cimatu ang bagong itinalagang kalihim ng DENR kapalit ni Gina Lopez na sinusuportahan ng iba’t ibang environment group dahil sa pagpabor nito sa mga mahihirap at paglaban sa mga kompanya ng minahan na sumisira sa kalikasan.
Ito ang inaasam ni Fr. Pete Montallana, Chairman ng Save Sierra Madre Network Alliance at miyembro ng ng Green Thumb Coalition (GTC) .
Naniniwala rin si Fr. Montallana, bagamat maraming kinasangkutang alegasyon si Cimatu ay posible pa rin itong baguhin ng Panginoon.
Dahil dito, umaasa ang Pari na paiiralin ni Cimatu ang pagiging makatao at makakalikasan sa kanyang pamumuno sa DENR.
“Ang Diyos kasi ay pwede namang baguhin ang lahat kahit yung makasalanan kung anong nagawa nung nakaraan. We are still hoping na si Secretary Cimatu, will pursue yung mga sinimulan ni Gina Lopez, partikular dito sa Sierra Madre, meron kaming project na talagang nagkakaisa ang DENR at yung civil society groups na magsama-sama upang ayusin ang Sierra Madre, ipagpatuloy nga yon,” bahagi ng pahayag ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.
Samantala, umaasa din ang GTC na itutuloy ni Cimatu ang pagpapasara at pagsuspinde sa 28 minahan na bumagsak sa industry wide mining audit na sinimulan noong nakaraang taon.
Read:
Itatalagang bagong kalihim, babantayan ng simbahan
Una nang inihayag ng CBCP NASSA Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edu Gariguez na isa pang neophyte o baguhan si Cimatu pagdating sa usaping pangkalikasan.
Binigyang diin naman sa katuruang panlipunan ng Simbahan na hindi dapat manaig ang pansariling interes sa pangangalaga sa karapatan ng mga nakakarami.