152 total views
Nararanasan na ng Diocese of Virac sa lalawigan ng Catanduanes ang epekto ng bagyong Karen.
Ito ang ulat ni Rev. Fr. Renato Dela Rosa, Social Action Center Director ng naturang diyosesis, habang nagaganap ang patuloy na malakas na ulan at hangin sa isla ng Catanduanes dahilan upang may ilang mga pamilya na ang nagsilikas at naitala ang ilang insidente ng landslide.
Sa pinakahuling update ng SAC ng Diocese of Virac, umabot na sa 78 pamilya ang inilikas sa Virac, 35 sa Munisipalidad ng Bato, 51 sa Pandan at 23 sa San Andres habang wala na rin kuryente sa ilang mga bayan na may mga natumbang poste at humihina na rin ang linya ng komunikasyon.
“I’m locked in my parish, still can’t go out due to heavy rains and strong winds although I got some partial reports on number of evacuees from different towns. Malakas pa po at sumisipol pa ang hangin.” mensahe ni Fr. Dela Rosa sa Damay Kapanalig.
Sa lalawigan ng Albay, ay patuloy ang ginagawang monitoring ng Social Action Center ng Diocese of Legaspi sa pangunguna ni Rev. Fr. Rex Paul Arjona.
Ayon kay Fr. Arjona, wala pang naitatalang malaking pinsala sa lalawigan bagamat may mga ulat na ng isolated flooding sa mga mababang lugar partikular na sa palibot ng bato lake.
“Typhoon Karen has passed by Bicol without landfall. Still raining. Minimal damage. No power in some areas. Flooding in area surrounding bato lake. Evacuees in flooded brgys.” mensahe ni Fr. Arjona, Social Action director ng Diocese of Legaspi.
Samantala, Nakikipag-ugnayan na rin Damay Kapanalig Program ng Radio Veritas 846 sa Diocese of Libmanan sa Camarines Sur na kasalukuyan din nakakaranas ng malakas na ulan at katamtamang lakas ng hangin.wala na rin kuryente sa nasabing lugar.
Kaugnay nito, huling namataan ang typhoon Karen na pang 11 bagyo ngayong taon 95 kilometro hilagang silangan ng Virac Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 180 kilometro.