482 total views
Inaaani na ng Pilipinas ang kabiguan ng mamamayan na pangalagaan ang kalikasan.
Ayon kay Cotabato archbishop Orlando Cardinal Quevedo, hindi sana malala ang epekto ng kahit anong kalamidad kung sinunod lamang ng tao ang panawagan ng Simbahan noon na “adopt a mountain” kung saan ito ay tataniman ng mga puno.
Ito’y upang hindi gaanong makapaminsala ang natural disasters gaya ng bagyo na nagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming lugar bunga na rin ng kawalan ng mga puno na pananggalang.
Kaugnay nito, hinimok ni Cardinal Tagle ang bawat isa na magbahagi ng tulong sa kalikasan halimbawa ng hindi pagsusunog ng basura, paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok, pagtitipid sa paggamit ng kuryente at iba pa.
“The bishops’ conference was the first conference in the world to issue a pastoral statement on environment. It was in 1986 when the CBCP issued a statement pastoral letter called “what is happening to our beautiful land”, and it is quoted in the recent Laudato Si of Pope Francis, from that, we have collaborated with government at the beginning on the setting up of tree planting in the mountains, one bishop issued appealed to all the bishops “adopt a mountain that was their movement but the momemtum stopped, because people got money but did not plant the trees, now floods we are harvesting the failures of people with regard to the environment…The floods that we are not very aware of the little things we can do to prevent climate change and global warming, and each family… one family stop burning garbage, do the recycling, use your car less often, put off electricity when not in use, this are little things that every famiy can do to help reduce global warming and mitigate climate change.”pahayag ni Cardinal Quevedo sa isang press conference sa WACOM4.
Matatandaang dahil sa kapabayaan ng tao, isa ang Bagyong Yolanda sa naging malala ang epekto sa bansa na kumitil ng mahigit 7 libong buhay at 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan.