162 total views
Ito ang ninanais ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa pagdiriwang ng pasko sa gitna ng materyalismo at sekularismo.
Ayon kay Bishop Pabillo, ang Pasko ay hindi selebrasyon ng magaganda at magagarbong materyal na bagay kundi ang pasko ay pagtanggap sa Panginoon.
Ipinaalala ng Obispo na ang diwa ng Pasko ay makapagsisi tayo sa ating mga kasalanan at magpanibago ng ating sarili.
Ayon sa Obispo, maisasakatuparan natin ang tunay na diwa ng pasko sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawain sa simbahan, mga retreat at recollection.
“Makiisa sa mga gawain ng simbahan, makiisa sa mga recollection, sa advent activities, sa simbang gabi at pagkatapos para sa sarili.
Higit sa lahat,hinimok ng Obispo ang lahat na matutong gumawa ng mabuti sa kapwa na hindi naghihintay ng anumang regalo o kapalit.
“Yung paalala natin sa Christmas, sana huwag mawala yung spiritual idea ng Christmas. Ang Christmas ay hindi mga material thing, ito ang panahon ng pagtanggap sa Panginoon. Mawala sana yung sekularismo, importante pagsisi sa ating mga kasalanan, ang mapagpanibago sa ating sarili,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Ngayong ika-20 ng Nobyembre 2016 ay magtatapos ang selebrasyon ng Year of Mercy o Extraordinary Jubilee Year of Mercy ng Simbahang Katolika na idineklara ni Pope Francis noong nakaraang taon.