339 total views
Ang Banal na Espiritu na ipinadala upang magsilbing gabay ng bawat isa sa pagtahak sa landas patungo sa Panginoon ay bunga ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.
Ito ang binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Roma kaugnay sa napakahalagang bunga ng ginawang pagpapakasakit, pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay ni Hesus.
Ayon sa Cardinal, hindi matatawaran ang kahalagahan ng Espiritu Santo o ang Espiritu ng buhay at pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauahan upang malikha muli ang sanilikha at ang bawat isa bilang anak ng Diyos sa ngalan ni Hesus.
“Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa napakalaking bunga ng kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay para maibigay sa atin ang Espiritu Santo o ang Espiritu ng Buhay at Pag-ibig mismo ng Diyos upang tayo ay malikha muli bilang mga anak ng Diyos sa ngalan ni Hesukristo at malikha muli ang sanilikha.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Pagbabahagi ni Cardinal Tagle, mahalagang maging bukas ang puso at diwa ng bawat isa upang ganap na matanggap ang biyaya ng Espiritu Santo na may hatid ng katotohanan at higit na makapagpapaunawa sa mga salita at gawa ng Panginoon.
Paliwanag ng Cardinal, ang katotohanan hatid ng Espiritu Santo kaugnay kay Hesus at sa salita ng Diyos ay hindi lamang para sa mga walang pananampalataya kundi maging para sa mga Kristiyano na hindi ganap ang pananampalataya at paniniwala sa Panginoon.
“So let us open ourselves to the Holy Spirit of Truth who will give a testimony to the truth who was Jesus and we need this constantly, even believers, Christians there is always an unbeliever in us, there is always part of us that rejects Jesus, so we need a testimony of the Holy Spirit.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Binigyang diin naman ng Cardinal na hindi dapat matapos ang katotohanang hatid ng Espiritu Santo sa pagtanggap nito sa halip ay dapat ring maibahagi sa kapwa ang karanasan ng kabutuhan ng Panginoon upang higit pang maipalaganap ang mabuting balita para sa lahat.
“But after receiving the testimony of the Holy Spirit, we must testify to Jesus we should not be ashamed to testify about the truth of Jesus but that will happen only if we have experience Jesus, if we have received the testimony of the Holy Spirit.” Ayon kay Cardinal Tagle.
Samantala, bilang bahagi ng paggunita sa Laudato Si Week ngayong linggo ay hinikayat ni Cardinal Tagle ang bawat isa na hingin at ipanalangin ang paggabay ng Espiritu Santo upang higit na maging epektibong taga-pangalaga ng biyaya ng Panginoon ang sangkatauhan.
“It is Laudato Si Week, so we ask the Holy Spirit for the spirit of caring rather than of misuse of His gifts especially the gifts of creation.” Apela pa ni Cardinal.