2,165 total views
Patatagin ang kalooban sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon.
Ito ang mensahe ni Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian ng Catholic Bishops Conference of the Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga bumubuo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa paggunita ng ahensya ng ika 32-anibersaryo.
Ang mensahe rin ay ipinaparating din ng Obispo sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na kinakalinga at tinutulungang magbago ng ahensya.
“Huwag po tayong mawalan ng pag-asa kasama natin ang BJMP, kasama natin ang mga chaplains at marami hong nakikilakbay po sa atin huwag po tayong mawalan ng pagasa sa tulong ng Diyos may pagkakataon bibigyan din tayo ng ating hinihiling sa kaniya, so mabuhay pong lahat.” pahayag ni Bishop Jaucian sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ni BJMP Spokesperson Jayrex Joseph Bustinera ang pagpapa-igting ng BJMP sa mga adbokasiyang magtataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga pinapangalagaang mamamayan at PDL.
Nangako din ang B-J-M-P na pupunan ang espiritwal na pangangailangan ng mga opisyal ng ahensiya at PDL na nasa mga kulungan.
“Ma-rehabilitate sila and yun lang din naman ang patutunayan at gagampanan ng BJMP, ito nga pong tema natin, Matapat, May integridad na serbisyo sa ating kababayan so yun po yung sine-celebrate natin ngayon and we are really happy that the BJMP has come a long way in our 32yrs of existence.” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Bustinera.
Ang thanksgiving mass na idinaos sa Saint Michael Chapel sa BJMP National Headquarters sa Quezon City ay una sa tatlong interfaith dialogue ng BJMP Chaplain Service.(j