Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 408 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo ay nakamit ng Filipinas, ang women’s national football team ng Pilipinas, ang kauna-unahang panalo ng bansa sa FIFA World Cup. Tinalo ng ating mga pambato ang host country na New Zealand sa puntos na 1-0. Ang makasaysayang tagumpay ng Filipinas ay nangyari isang araw lamang matapos ang ikalawang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., kaya hindi rin natin maiwasang kumustahin ang katayuan ng kababaihan sa unang taon ng administrasyong Marcos Jr. 

Katulad ng mga nakaraang taon, ang SONA ngayong taon ay nagsisilbing entablado upang ipagmalaki ng administrasyon ang mga itinuturing nitong tagumpay sa halip na magbigay ng komprehensibong ulat sa aktwal na state of the nation o kalagayan ng bansa. Ibinida sa SONA ang mga sinasabing progreso sa ekonomiya, agrikultura, kalusugan, at iba pang sektor. Ngunit kapansin-pansin ang hindi pagbanggit sa isyu ng karapatang pantao at sa imbestigasyon ng International Criminal Court (o ICC). 

Sa kabila ng sinasabing economic growth na 7.6% noong 2022, pagbaba ng inflation sa 5.4% nitong Hunyo, at pagpapanatili sa unemployment rate nang hindi tataas sa 5%, mayroong higit pa sa 21.1 milyong kababaihan sa bansa ang “economically insecure” o walang kasiguruhan sa trabaho o kabuhayan. Batay ito sa ulat ng Center for Women’s Resources (o CWR) sa estado ng kababaihan sa unang taon ng administrasyong Marcos Jr. Anila, kasama sa datos na ito ang halos isang milyong babaeng unemployed, 1.9 milyon na underemployed, at 18 milyong  wala sa labor force. Ang mga datos na ito, ayon sa CWR, ay nagpapakitang mas vulnerable o lantad ang kababaihan sa gutom, kahirapan, at karahasan. Binigyang-diin din ng ulat kung gaano lubhang naaapektuhan ang kababaihan sa inflation na umabot sa 8.7% noong Enero, ang pinakamataas na inflation rate sa nakaraang labing-apat na taon. 

Dumarami rin ang iba’t ibang anyo ng mga pang-aabuso at pagsasamantalang nararanasan ng kababaihan at mga bata. Noong 2022, hindi bababa sa 24,000 ang naiulat na mga kaso ng violence against women and children (o VAWC). Ayon sa CWR, ito ay katumbas ng halos 75 na biktima kada araw o tatlong biktima kada oras noong 2022. Kulang pa ang numerong ito dahil maraming kaso ng VAWC and hindi inire-report dahil sa takot, hiya, at victim-blaming culture. Paliwanag ng CWR, nananatiling nasa panganib na maging biktima ng human trafficking at prostitusyon ang kababaihan dahil sa kawalan ng disenteng trabaho at sapat na kita para mabuhay.  

Dapat na kilalanin at itaguyod natin, pati na ang Simbahan, ang karapatan ng kababaihan. Ayon nga sa panlipunang turo ng Santa Iglesia, ang pagpapatuloy ng iba’t ibang anyo ng diskriminasyon laban sa kababahihan ay dulot ng matagal na pag-kondisyon sa lipunan na umaapak sa halaga at dignidad ng mga babae. Ang tunay na pag-unlad ay nangangailangan ng pagbabago sa istruktura ng lipunan, kasama na rito ang labor o paggawa, kung saan wala nang nararanasang diskriminasyon at ‘di pagkakapantay-pantay ang mga tao anuman ang kanilang kasarian. 

Mga Kapanalig, marami pa rin ang kailangang gawin upang matugunan ang mga malalalim at istruktural na problemang kinahaharap ng ating bayan. Isa sa mga pangunahing hakbang ay ang pagkilala ng gobyerno sa mga kakulangan nito. At hindi nakakatulong, bagkus ay nakakapinsala pa nga, ang pagkubli sa mga negatibong aspeto ng kalagayan ng bansa, lalo na sa usapin ng karapatang pantao at aktwal na sitwasyon ng mga marginalized sectors katulad ng kababaihan. Patuloy sana nating ipaglaban ang karapatan at dignidad ng ating kapwa at panagutin ang gobyerno sa mga pangako nito nang sa gayon ay maisabuhay ang winika sa Deuteronomio 1:17 na mabigyan ng katarungan ang bawat tao, maging sinuman sila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,966 total views

 16,966 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,622 total views

 31,622 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,737 total views

 41,737 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,314 total views

 51,314 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,303 total views

 71,303 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,967 total views

 16,967 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,038 total views

 2,038 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,623 total views

 31,623 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,738 total views

 41,738 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 51,315 total views

 51,315 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,304 total views

 71,304 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,442 total views

 47,442 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,467 total views

 42,467 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,036 total views

 46,036 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,491 total views

 58,491 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,558 total views

 69,558 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,877 total views

 75,877 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,488 total views

 80,488 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,048 total views

 82,048 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,609 total views

 47,609 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top