355 total views
Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na magkaroon nang pagbabago hindi lamang sa salita kundi sa gawa ngayong panahon ng adbiyento bilang paghahanda sa pagdating ng kapaskuhan, ang pagsilang ni Hesukristo.
Sinabi ng Cardinal na kalimitan ay nakabase ang ating pagtingin sa kahalagahan ng tao sa kanyang estado sa buhay, impluwensya at kapangyarihan sa lipunan.
“How do we look at the children, people with disabilities, elderly, beggars, street vendors, people who commited wrong doing? Do we still see a value in them or do we see in them less valuable as they appear as a threat to me and the society. No one is perfect but we still all valuable because we are all children of God,” ayon pa kay Cardinal Tagle.
Giit niya, kailangang palayain ng bawat isa ang maling pagtingin sa kapwa kundi ang pagtingin sa katotohanan na ang bawat isa ay mahalaga, at may dignidad.
“Repentance…change in action and in mind. Sundan ang pag-iisip ni Hesus. Ang pagtingin sa kapwa sa mundo. Ang pagpapahalaga ni Hesus at gawi ni Hesus upang makita ang halaga ng tao para umunawa at magmahal,” ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.
Paliwanag pa niya na ang panawagan para sa pagsisi ay kaligtasan subalit kinakailangan munang tanggapin ang alok na kalayaan at pagliligtas ng Panginoon.
At ang tunay na malaya ayon pa kay Cardinal Tagle ay yaong umiibig ng wagas, may pagmamahal na kumikilos para sa kapakanan ng iba.
Ito ang mensahe ng kaniyang kabunyian kaugnay na rin sa ginanap na Word Exposed: Advent Recollection with Cardinal Tagle na may temang Produced Good Fruits as Evidence of your Repentance na ginanap sa Araneta Coliseum.