732 total views
Nakamit ng munisipalidad ng Bayambang, Pangasinan ang bagong Guinness Book of World na tallest Bamboo Statue in the World matapos pormal na pasinayaan at buksan ang San Vicente Ferrer Prayer Park kung saan naroroon ang estatwa ni St. Vincent Ferrer na may taas na 50.23 metro o 164 na talampakan.
Kasabay ng tagumpay na ito, ipinagdiwang naman ng simbahan ang dalawang Jubilee celebration na 400 years anniversary ng Parokya ng San Vicente Ferrer at ang ika-600 anibersaryo ng kamatayan ng Santo noong ika-5 ng Abril.
Sa banal na misang pinangunahan ni Diocese of Bayombong Bishop Elmer Mangalinao, hinimok nito ang mga mananampalataya na tularan ang pagiging matapat sa simbahan at sa Panginoon ni San Vicente Ferrer.
Iginiit ng Obispo na noong panahon ni San Vicente ay nakaranas din ng pagkakahati ang simbahan dahil sa magkakaibang pananaw ng mga namumuno dito.
Gayunman, sa halip na iwanan ang simbahan at kamuhian ang mga namumuno dito ay lalo pa nitong minahal at ipinagdasal ang mga suliraning kinakaharap ng simbahan.
“In his time there are two Popes elected, fighting one another and this lead to total division among the church members, what he did was in order to be an answer to the challenge of the time, instead of leaving the church, instead of hating the church because of the leaders, instead, he allowed himself to be embedded to the life of the church by prayer. More problems, more prayer, deeper problems, deeper prayer.” bahagi ng pagninilay ni Bishop Mangalinao.
Dagdag pa ni Bishop Mangalinao, ang kapistahan ni San Vicente Ferrer ay nagpapaalala sa mga mananampalataya na maging mapagmatyag, at maging handa dahil sa bawat minuto ng ating buhay ay dumarating ang Panginoon.
Dalangin ng Obispo na ang bawat mananampalataya ay magkaroon ng bukas na puso at isipan upang maisabuhay ang pananampalatayang Kristiyano, at makapagpamalas ng mga gawaing kinalulugdan ng Diyos.
“On this celebration of the double jubilee of the parish, 600th year entry of St. Vincent into heaven, and 400th year of this Parish, his feast of today reminds us to be vigilant, to be prepared, to be ready, because God comes to us every single day of our lives. I pray that each one of us may have an open heart and mind, in so doing like St. Vincent, we will be witnesses of faith, we will be doers of good and we will be joyful and active God’s disciple like this angelic doctor, St. Vincent.” Pahayag ni Bishop Mangalinao.