922 total views
Nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mamamayan na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang pagkasira nito.
Tiniyak naman ng European-Union ang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga Filipino at maging sa buong mundo sa pamamagitan ng Copernicus Programme na tumutulong sa pagbabantay sa pag-inog ng mundo.
Ayon kay Acting EU Ambassador to the Philippines Rafael de Bustamante, gamit ang kaalaman sa siyensya ay tutulong ito sa mga bansa upang mapagtibay ang mga programang tutugon sa pagbabago ng mundo at kalikasan.
“The Copernicus Programme is a foundation of the European Union’s efforts to monitor the Earth’s from space, to ensure that institutions and citizens in Europe and across the globe become more effective in understanding our planet, sustainably manage the environment, and are better prepared and protected in the face of crises and natural disasters,” bahagi ng pahayag ni Bustamante.
Dagdag pa ng opisyal, palalakasin ng Pilipinas at EU ang ugnayan sa pamamagitan ng Copernicus lalo’t malaking banta sa bansa ang malalakas na bagyo.
Magugunitang noong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda at puminsala sa malaking bahagi ng Visayas, nagsagawa ng damage assessment ang Copernicus Emergency Team gamit ang very-high-resolution optical imagery kung saan detalyado ang mga datos na nakukuha sa lugar na pinangyarihan na makatutulong sa mas mabilis na pagtugon.
Ika-6 ng Pebrero ginanap ang 2nd National Conference on Space Programme Copernicus sa Makati kung saan dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Department of Science and Technology at Department of Environment and Natural Resources.
Nakatulong din ang programa noong pumutok ang bulkang Taal noong Enero kung saan ginamit ang mga makabagong teknolohiya sa pagmonitor at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
Ang mga impormasyong nakukuha ng Copernicus ay nakapagpapatibay sa pagpatupad ng mga mga hakbang sa risk reduction.
“Not only does the Philippines want to ensure its land and marine environment are healthy but its citizens rightly demand resilience against the effects of climate change and natural disasters,” saad ni Bustamante.
Nagbigay rin ng keynote address sina Dr. Philippe Brunet, ang dating EU Director for Space Policy, Copernicus Programme and Defence at kasalukuyang Principal Advisor to the European Commission Directorate for Cooperation Development at si Department of Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña.