19,962 total views
Tiniyak ng European Union ang patuloy na pag-agapay sa mga Pilipino lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Muling nagkaloob ang EU ng 1.3 million euros o katumbas ng 76 milyong piso para sa mamamyan ng Mindanao na labis naapektuhan ng pagbaha noong Pebrero.
Ayon kay EU Commissioner for Crisis Management, Janez Lenarcic nakaagapay ang EU sa pangangailangan ng mga Pilipino para makabangon sa trahedya.
“The beginning of this year’s monsoon and typhoon season is proving very hard for people in the Philippines, and the EU is stepping up its assistance to the most affected populations. This funding will help provide much needed relief to people in Mindanao,” ani Lenarcic.
Matatandaang sa mga pag-ulan noong Enero at Pebrero lubhang naapektuhan ang mga rehiyon sa Mindanao kung saan bukod sa pagbaha ay nagkaroon din ng mga pagguno ng lupa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council halos dalawang milyong katao sa rehiyon ang apektado o katumbas sa halos kalahating milyong pamilya kung saan 300, 000 rito ang nawalan ng tahanan.
Ayon sa EU ang nasabing alokasyon ng pondo ay para tulungan ang mga pamilyang labis na naapektuhan lalo na sa pagkain, malinis na inuming tubig, pasilidad sa pagkukunan ng tubig gayundin ang iba pang essential services para sa mamamayan.
Ang nasabing tulong pinansyal ay karagdagan lamang sa naunang 3.1 million euros humanitarian crisis’ assistance na unang ipinagkaloob sa Pilipinas para sa mga biktima ng kalamidad sa Mindanao at iba pang rehiyon ng Pilipinas.