566 total views
Ipinaapaalala ng Eukaristiya na ang pagtanggap ng komunyon ay ang pakikiisa ng sangkatauhan sa Panginoong Hesus.
Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang pinangunahan sa Chapel Of The Eucharistic Lord sa SM-Megamall sa paggunita araw ng Feast of the Corpus Christi.
Ayon sa Kardinal, ang Eukaristiya at komunyon ay paalala sa pagtanggap ng mga mananampalataya kay Hesus na iwaksi ang katingian ng pagiging makasarili sa puso ng sangkatauhan
“My dear friends, because the Eucharist is thanksgiving, everytime we celebrate the mass our heart should be filled with gratitude to the Lord for all the blessings he has given us,” ayon pagninilay ng Arsobispo kung saaan kaniyang hinimok ang bawat mananampalataya na maging mapagpasalamat sa lahat ng biyaya na natatanggap.
Inihayag naman ni Msgr. Bong Lo, kura-paroko ng Chapel of the Eucharistic Lord na simbolo ng walang hanggang pagmamahal ng Panginoon sa sanlibutan ang pagidiriwang ng Feast of Corpus Christi.
Kasabay ng paggunita ng ‘International Father’s Day’ ay ipinaalala ni Monsignor Lo sa bawat mananampalataya ang pagmamahal bilang Ama ng Panginoong sa tao matapos ialay ang kaniyang bugtong na anak na si Hesus upang mailigtas mula sa kasalanan ang sangkatauhan.
“He is giving us his whole self, ang buong pagkatao niya, ang buong sarili niya katawan at dugo, buong pagmamahal, katapatan niya at kagadahang loob sa atin, kay harinawa tayo din na tumatanggap ng katawan ni kristo ay palaging isaisip, isapuso na we are not just receiving a thing hindi lang isang bagay ang tinatanggap sa banal na pakikinabang o komunyon kungdi we are receiving a person, the very person of Jesus at harinawa tayo ay matulad ng Panginoong Hesus,” Ayon kay sa panayam ng Radio Veritas kay Monsignor Lo.
Ipinagdarasal ni Monsignor Lo na maalala ng bawat isa ang sakripisyo ng Panginoon tuwing tatanggap ng banal na Eukaristiya at Komunyon.
Paanyaya naman ni Monsignor Lo sa lahat ng mananampalataya ang palagiang pagdadasal upang ipag-adya ng Panginoon ang buong mundo mula sa mga suliranin at matapos na ang krisis ng pandemya.