782 total views
Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mananampalataya sa tuwinang pagtanggap ng Eukaristiya na nagdudulot ng pagpapagaling at kalakasan.
Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, ang Eukaristiya o ang Banal na Katawan at Dugo ni Hesus ay ang tunay na presensya ng Panginoon na ating tinanggap sa tuwinang dumadalo sa Misa.
Paliwanag ni Archbishop Brown sa programang Pastoral Visit On-Air ng Radio Veritas, ang kasalanan ay nagdudulot ng pinsala sa katawan at kaluluwa ng mga tao na kinakailangan ng paghihilom para sa pagpapanumbalik ng kalakasan na dulot ng pagkakasala.
“All of us are (sinners), because of our original sin and our personal sin we are debilitated by our sins and by original sin and the Eucharist is healing us, preparing us for eternal life, restoring us to our original dignity as sons and daughters of the Father,” ayon kay Archbishop Brown.
Dagdag pa ng kinatawan ng Santo Papa na sa bawat pagtanggap ng banal na dugo at katawan ni Hesus ay paghahanda rin ng ating sarili para sa buhay na walang hanggan.
“We talk about the Eucharist as the medicine of immortality, think about those words…medicine of immortality, and the antidote against death. So, medicine all of us are sick,” dagdag pa ng opisyal ng Vatican.
Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown ang kahalagahan ng kumpisal bago ang pagtanggap ng Eukaristiya lalo na sa mga kasalanang mortal.
Ayon kay Archbishop Brown, “In that situation, we must always first go to confession before we receive the Eucharist because Eucharist is medicine, but we don’t give medicine to dead people even doctors don’t right. So, if we are in a state of serious grave sin we need to confess and then we receive the Eucharist.”
Sa Linggo, June 19, ipagdiriwang ng Simbahan ang Corpus Christi Sunday.
Si Archbishop Brown ay mapanood at mapapakinggan sa Radio Veritas tuwing ikalawang Lunes ng buwan sa Apostolic Visit On-Air ganap na ikawalo hanggang ikasiyam ng umaga.
Bukod kay Archbishop Brown, bahagi rin ng programa ang mga obispo ng Pilipinas na sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula; Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines; San Pablo Bishop Buenaventura Famadico; Novaliches Bishop Roberto Gaa at Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo.