4,329 total views
Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang planong pagpapalaya ng Pangulong Rodrigpo Duterte sa 127 mga bilanggo.
Ayon kay Rudy Diamante, executive secretary ng komisyun, long overdue na ang pagbibigay ng executive clemency sa mga bilanggo mula noong nagdaang administrasyon at ngayon ay mabibigyan na ng pagkakataon.
Magandang hakbang para sa CBCP-ECPPC ang hakbang dahil pangunahing adbokasiya ng kanilang komisyun ang mabigyan ng pagkakataong makalaya ang mga nakapagsilbi na ng mahigit 20 taon sa kulungan at mabigyan pagkakataoan na makasama muli ang kanilang mga pamilya.
Kasabay nito, nanawagan si Diamante na mabigyan din ng pagkakataon na makalaya ang mga matatanda at mga maysakit na bilanggo.
Iginiit ni Diamante na ang lahat ng tao ay nararapat lamang na mabigyan ng ikalawang pagkakataon sa lipunan at sa kani-kanilang pamilya.
“The CBCP-ECPPC receives with great joy the news that the President will finally grant Executive Clemency to 127 inmates. This is long overdue. It is our hope and prayer that others who have stayed and served sentence for 20 years will also be given chance to be with their families.”pahayag ni Diamante.