23 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula si Fr. Ramon Jade Licuanan bilang rektor at kura paroko ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o St. John the Baptist Parish.
Isinapubliko ng Archdiocese of Manila ang appointment nitong January 29 at magiging epektibo sa Pebrero.
Kasalukuyang kura paroko si Fr. Licuanan ng San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City kaya’t itinalaga rin ng cardinal si Fr. Cesar Buhat bilang kura paroko kapalit ni Fr. Licuanan.
Si Fr. Licuanan ang hahalili kay Bishop-elect Rufino Sescon Jr. na itinalagang obispo ng Diocese of Balanga sa Bataan na nakatakdang ordinahan sa February 25.
Ilan sa mga tungkulin ng pari sa arkidiyosesis ang pagiging Episcopal Vicar for Mandaluyong City, Commissioner ng Archdiocesan Commission on Youth, kasapi ng College of Consultors ng arkidiyosesis, at Executicve Secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Kasabay nito ipinagkatiwala ni Fr. Licuanan ang youth ministry ng RCAM kay Fr. Marthy Marcelo na kasalukuyang namumuno sa Archdiocesan Youth Organizations and Movements (AYOM).
Samantala si Fr. Buhat naman ay kasapi ng College of Consultors, Presbyteral Council, Archdiocesan Finance Board at kasalukuyang Oeconomus ng arkidiyosesis.