5,800 total views
Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon.
Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.
Matutunghayan dito ang mga pagninilay at katesismo ng mga exorcist priest mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.
Sa November 1, ibabahagi ng mga exorcist priest mula sa Archdiocese of Manila—Fr. Jose Francisco “Jocis” Syquia, ang chief exorcist at director ng Office of Exorcism, at Dominican Father Winston Cabading—ang paksang “Spiritual Warfare and Protection” sa ganap na alas-7 hanggang alas-9 ng umaga.
Susundan ito ng pagpapaliwanag ni Pasig exorcist priest, Fr. Daniel Estacio, hinggil sa “Dalawang Araw na Paggunita sa mga Yumao: Mga Paniniwala at Kahalagahan ng Panalangin” mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.
Alas-12 ng tanghali naman, pangungunahan ni Radio Veritas president, Fr. Anton CT. Pascual, ang Banal na Misa sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Pagkatapos nito, ibabahagi ni Fr. Roberto “Bobby” dela Cruz, minister ng Ministry on Visions sa ilalim ng Commission on Extraordinary Phenomena ng Archdiocese of Manila, ang paksang “Forgiveness and Healing” mula ala-una hanggang alas-2 ng hapon.
Sa November 2, mula alas-10 hanggang alas-11 ng umaga, magbibigay ng pagninilay si Diocese of Cabanatuan exorcist priest, Fr. Jestoni Macapas tungkol sa konsepto ng “Ghost Hunting”.
Samantala, mula alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, tatalakayin naman ni Diocese of Antipolo exorcist priest, Fr. Felipe Pedraja ang paksang “House Infestation and Wandering Soul”.
Mapapakinggan ang special program ng Veritas 846 sa DZRV 846 kHz AM at mapapanood sa DZRV846 facebook page, Veritas PH sa YouTube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.
Maaari ring mag-alay ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay na isasama sa Healing Mass sa Veritas sa alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.
Makipag-ugnayan lamang sa Veritas 846 Religious Department sa (02) 8925-7931 to 39 locals 129, 131, at 137 o mag-text sa 0917-631-4589.