197 total views
Pinakikilos na ng Simbahan ang mga IT o information technology experts na gumawa ng mga hakbang upang matigil na ang talamak na “child web pornography” sa bansa.
Ayon kay Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta, tungkulin ng mga internet provider na tiyakin ang seguridad lalo na ng mga bata na biktima ng “child slavery” o live sex online para sa mga pedopilyang dayuhan.
Iginiit Archbishop Peralta na inaabuso na ng mamamayan ang kanilang kalayaan sa paggamit ng internet hanggang sa puntong naisasakripisyo na ng ilang magulang ang dangal ng kanilang mga musmos na anak.
“Well, admittedly isa rin sa malaking problema ngayon but I don’t know if the government can but the church is doing its part in curving pornography. Pero yan kasi ang sakop ng internet yung mga IT how to limit or eliminate pornography sa internet. But again ang issue na naman diyan ay freedom,” pahayag ni Archbishop Peralta sa Radio Veritas.
Tiniyak ni Archbishop Peralta na suportado ng Simbahan ang aumang aksyon upang matigil na ang laganap na “child pornograpahy” sa bansa upang maisalba ang buhay at kinabukasan ng mga batang biktima nito.
“Ang pwede kong ipa–abot sa mga IT siguro they should realize this problem about pornography especially child pornography and if they could do something to curve this and ang Simbahan will be very supportive about any action to curve child pornography,” giit pa ni Peralta sa Radyo Veritas.
Nabatid na batay sa ulat ng UNICEF Philippines nasa 7,000 cybercrime reports kada buwan ang kanilang natatanggap at kalahati sa mga ito ay may kinakalaman sa child sex abuse na may edad anim na taong gulang pataas.
Patuloy naman ang Tulay ng Kabataan Foundation isang grupo ng mga pari at layko na kumakalinga sa halos 10, 000 kabataang batang kalye na bansa na biktima ng pang–aabuso.