979 total views
Isinulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang kahalagahan ng pagsunod at pagrespeto sa kasagraduhan ng buhay.
Ito ang mensahe ni CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos matapos maaresto sa Phnom Penh Cambodia ang 13-Filipina dahil sa kaso ng surrogacy na ilegal na gawain sa bansa.
Ayon sa Obispo, paglabag sa dignidad ng buhay ang mga kaparehong kaso na kinahaharap ng mga naarestong Pilipino at pagpapakita ito ng kawalan ng pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay.
Ipinaalala naman ng Obsipo na bagamat naakusahan ay huwag husgahan ang mga Filipina na naaresto dahil biktima lamang din sila ng kahirapan ng buhay kung kaya’t nagawa ang pagpayag na maging bahagi ng ilegal na gawain.
“First and foremost, we must acknowledge the grave injustice and exploitation that these women have endured. While their actions were illegal and cannot be condoned, we must also recognize the desperate circumstances that may have driven them to such measures. Poverty, lack of education, and limited opportunities often push individuals into the clutches of those who seek to exploit their vulnerability for profit,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Umaasa si Bishop Santos na sa kanilang paglaya ay makabalik sila sa pamumuhay na pinapahalagahan ang kasagraduhan ng buhay habang sinusunod ang plano ng Panginoon para sa Kanila.
Umapela naman ng panalangin si Bishop Santos para sa ikabubuti ng kalagayan ng 13-Filipina, nawa ayon pa sa Obispo ay mapalakas din ng pamahalaan at iba pang civil society groups ang mga hakbang upang malabanan ang human trafficking na patuloy paring suliranin ng lipunan.
Sinabi ng Obispo na maaring biktima lamang ang mga Filipina ng human trafficking at napapayag na magbuntis para sa ibang pamilya o indibidwal kasabay ng pangakong 500-libong pisong kabayaran.
Panalangin ng Obispo na magkaroon ng mga programa at inisyatibo ang pamahalaan na magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga Pilipino, higit na sa mga mahihirap upang maiwasan ang mga kaso na nabibiktima ng human trafficking ang mga mahihirap na Pilipino.
“In light of these events, I urge our community to come together in prayer and action. Let us pray for the women who have been convicted, that they may find hope and redemption. Let us also pray for the victims of human trafficking everywhere, that they may be freed from their suffering and restored to a life of dignity, furthermore, I call upon our government and civil society to strengthen efforts to combat human trafficking and to provide support and rehabilitation for those affected. We must work towards creating economic opportunities and educational programs that empower individuals and prevent them from falling prey to exploitation,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sa datos ng global watch group ng ‘Trafficking in Persons’, nitong taong 2024 ay umabot sa 133,943 ang biktima ng ibat-ibang kaso ng humang trafficking.