660 total views
Hiniling ng Federation of Asian Bishops’ Conference sa mga Pilipino na ipanalangin ang pagtitipon ng Asian bishops.
Partikular na tinukoy ng organizing committee ng FABC General Assembly ang October 13 – ikalawang araw ng pagtitipon kung saan tatalakayin ang mga usapin tungkol sa simbahan ng Pilipinas.
Pangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Morning Prayers habang si Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo naman ang mamumuno sa Banal na Eukaristiya.
“The Organizing Committee would like to request the Filipinos to pray for the General Conference in a special way since the Philippines will be the main focus of the day’s activity.” pahayag ng CBCP.
Hiling ng CBCP sa mga simbahan sa bansa na isama sa intensyon sa mga Banal na Misa ang natatanging intensyon para sa ika – 50 anibersaryo ng FABC.
Sa October 17 pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa sa pagpupulong.
Tema sa pagpupulong ang “FABC 50: Journeying together as peoples of Asia’ na ginaganap sa Bangkok Thailand mula October 12 hanggang 30.
Inaasahang talakayin ng mga obispo sa Pilipinas sa pagtitipon sa FABC ang resulta ng isinagawang synodal consultations.